Dilaw O Puti
Laganap ngayon sa social media ang napakalaking hati sa pagitan mga maka administrasyon at ung mga kontra...
Napakalawak ng biyak at ito ay pilit na nilalarawan sa pamamagitan ng pagkumpara ng mga nagawa ng dati sa ngayon...
Sandali lang ....
Ang isang kapuna puna sa mga nangyayari ngayon ay eto -- sa loob ng 8 buwan na paninilbihan ng kasalukuyang pamunuan, ang ating bansa ay sumailalim na din sa mga matinding pagsubok --
Paskung pasko nung hinagupit ni Bagyong Niña ang Bicol at iba pang parte ng Timog Luzon. Bago yan, malupet din ang hataw ng bagyong Lawin na rumagasa sa Hilagang Luzon tulad ng Ilocos, Batanes at Cagayan. Nitong nakaraang mga linggo lang, pati ang Cagayan de Oro, Iligan at ibang parte ng Mindanao naman ay nalubog sa tubig baha, dahil na din sa tuloy tuloy na buhos ng malakas na ulan.
At andyan din ang isyu ng pambobomba sa Davao nung lamang Setyembre...
Ang mga nabanggit na insidente ay mga kaganapan na naging isang malaking dagok sa ating bayan at ang mga ito ay tiyak na nagdulot ng hinagpis at matinding kalungkutan sa ating mga mamamayan.
Pero napansin nyo ba na ang mga nabanggit ko na mga insidente ay tila baga nawala kaagad sa ating kaisipan at tila baga na ang mga ito ay mga bagay na ikinabahala natin pero paglaon ay humupa ang ating mga agam agam at nanumbalik na kaagad sa normal ang ating mga buhay.
Na kung ihahambing nyo naman sa nakaraang administrasyon ay bakit kaya hanggang ngayon, madami pa rin gumugulo sa ating mga isipan at damdamin sa mga isyu ng Luneta Bus Hostage, ang Zamboanga siege, ang Mamasapano massacre, ang pagtaboy at pagmaltrato sa mga kapatid nating katutubo, ang lintek na pagtaas ng krimen at illegal na droga, at ang pinaka matinding dagok na hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa dahil sa kapabayaan at kagaguhan -- ang trahedya ni Yolanda.
Tanong -- bakit hanggang ngayon isyu pa din itong mga ito? Bakit samu't sari pa din ang opinyon, ang mga hinaing, ang masidhing paghahayag ng galit, ng hinagpis, ng inis, at ng panlulumo dahil sa pagkabigo at kawalan ng pag asa na ang mga dinulot na problema at pagpapabaya ay hindi natugunan ng tama.
Kung tutuusin, halos magkasing bigat ang mga isyu na kinaharap ng parehong partido pero bakit malayong malayo ang naging tugon ng sambayanan sa kanilang pamamahala at tugon sa mga problema.
O sige partida na. Mabigat ang isyu ngayon ng pilit na pinalalabas na EJK at pagkitil sa mga mahihirap, ayon sa mga elitista at nag du dunung dunungan. At malinaw daw na napakalaking krimen ang pumatay ng mahigit sa 7 libong Pilipino.
Pero bakit wala din sa kanila ang nagbabanggit na meron naman na mahigit sa ISANG MILYONG kababayan din natin na lulong o kasabwat sa pinagbabawal na gamot ang ngayon ay nagbabalik loob o napuksa ng buhay at nilalatagan nang pagkakataon upang magbalik loob sa batas at muling tanggapin ng komunidad...
Wala bang saysay yun?
Sa totoo lang, tayo namang mga ordinaryong mamamayan ay marunong makaramdam ng tama sa mali, at alam natin ang amoy ng bulok kahit gano pa ito pagtakpan, at ang mahusay at mainam kahit ito ay pilit tinatago, tinatakpan o nililinlang.
Alam nyo, sa lenggwahe ng mga maralita at laylayan ng lipunan, ang pinakasagot ay napaka simple ---
NASA NAGDADALA YAN!
O kung babalangkasin natin, ang malaking diperensya ay matutugunan ng mga letrang
L I D E R A T O...
Ang isa ay matibay na halimbawa.
Ang isa naman ay isang ehemplo ng kawalan nito.
Alam na!
This post was taken from Mark Lopez' Facebook post. To link there, click on above image.