top of page

Mismo


Pansin ko lang, ang dami ngayon komentaryo at postings ang mga dilawan, kasama na si Leni, Leila, Riza, Bam, Sonny at ung mga minions nila na sina Jim, Leah, Vicky, at ung mga attack but anonymous pages nila na TSM, SNM, CS atbp. Sama na din natin ung mga obvious propagandists nila na Rappler, Inquirer and ung iba in mainstream media.

Ang siste, puro nonsensical or outright moronic ung mga posts nila. Wala na sa logic or hindi na rational and issue-based ang kanilang mga atake.

To think na mga disente sila and napakataas ng pinag aralan ha. Pero lantaran nilang ibinababa ang diskurso at katulad nga ng kanilang mantra ngayon "It need not be true. It only needs to look like it is."

Samakatuwid, sa isang lohikal na pag iisip, ang ating magiging konklusyon ay SINASADYA NA NILA ang mga obvious na katangahan, hindi dahil sa sila ay tanga, kundi upang tayo ay akitin lamang at mailagay pa din sila sa sentro ng atensyon at diskurso.

Palibhasa, ubos na ang mga mabigat na issue na puede nila ipukol sa kasalukuyang liderato at unti unti na silang nawawalan ng makabuluhang adbokasiya o adhikain.

Showbiz na showbiz na ang kanilang taktika, ung tipong "Publicity, either negative or positive, will always be publicity."

Sa lenggwahe ng socmed, sila ngayon ay umiistilo na ng "click bait."

Sa totoo lang, sila ay nakakainis na nakakaawa na basahin at pagmasdan. Hindi ko na din mapagtanto kung sila ba ay dapat pa patulan o hayaan na lang.

Marahil ay wala naman isang tamang approach para sa kanila.

Sa isang malayang bansa na gusto pang lalung umasenso sa kabila ng matinding ingay dulot ng mga samu't saring opinyon, hinaing at komentaryo, hindi balakid ang sinasadyang katangahan at kagaguhan ng mga kakarampot na pasaway...

Bagkus, ang kanilang taktika ng kamangmangan ay isang malinaw na repleksyon ng kanilang tunay na intensyon at pag iisip.

Ika nga ni Leo Martinez, hindi na nila puede ungkatin ang mga problema tulad ng komunismo, militarismo, o kapitalismo...

Ang problema ay SILA NA MISMO!

This post was taken from the Facebook page of Mark Lopez. To follow him, click on above image.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page