top of page

Taksil?


Ang taksil sa katotohanan, yung hindi marunong lumaban ng patas. Ang taksil sa katotohanan, yung walang mga mukha. Ang taksil sa katotohanan, yung mamaratang nang nakatago sa laylayan ng mga taong pinoprotektahan ninyo. Kami, binabatikos namin ang mga amo ninyo na walang panangga. Hindi namin hiningi ang proteksyon ni Duterte kasi may bayag kaming panindigan ang aming sinasabi. Hindi nga niya alam ang aming pagtitipon. At pwede kaming humingi ng pera sa sandamakmak na supporters namin para gamiting pang-atake sa inyo.

Pero lelebel kami sa burak na kinasadlakan ninyo kung gagawin namin ang ginagawa niyo sa amin.

Eto na lang, pumili kayo ng sampu sa amin at pipili kami ng sampu sa inyo. Magharap-harap tayo. Mata sa mata. Mukha sa mukha. At duon niyo sabihin sa amin kung anong kataksilan ang ginawa namin. Hwag kayong magtago sa memes.

Uulitin ko ang mga sinabi ni Dorina Pineda sa Bituing Walang Ningning,

MAGSABI KAYO KUNG SAAN, KAILAN AT PAPANONG LABANAN, HINDI NAMIN KAYO UURUNGAN.

Bruce Villafuerte Rivera Minerva Fuschia Rivera Bruskoday

This post was taken from the Facebook page of Atty. Bruce Rivera. To follow him, click link above.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page