top of page

On Cross-Dressing


Kahit hindi ko bet si Riza ay biglang kong naalala ang "masahol pa sa hayup" comment ni Manny sa mga sinabi niya sa Senado sa pagdinig sa Anti-Discrimination Bill.

So, anong gusto niya, idiscriminate ang mga lalaking nagdadamit babae? Ipahiya? Kutyain?

Hindi ba niya alam na kung hindi lang kilala ang nanay niya, pwede itong idiscriminate kasi mukha itong bakla. At kung hindi siya pinalad na yumaman, pwede siyang madiscriminate dahil hindi siya kagwapuhan. Hindi ba basic sa pagiging isang alagad ng Diyos ang ituring na tao ang isang tao dahil sa katauhan nito hindi sa damit na sinusuot niya.

Madami akong kaibigan na transgender at cross-dressers. Mahal ko sila. Marami sa kanila, totoong tao, masipag, honest, faithful sa kanilang partner at pala-dasal. Mahirap ang kanilang pinagdaanan para maging isang transgender kasi hindi naman nila kontrolado ang damdamin nila. Kung pwede lang pumili maging regular, lahat kami pipiliin ang buhay na hindi malupit sa amin. Kaya ako nag-abogado dahil naranasan ko kung paano ka maliitin ng mga tao dahil lamang sa iyong kasarian.

Sen. Manny, alam ko na ang iyong paniniwala ang nag-udyok sa yo sabihin yan. Pero ako'y naniniwala din sa Diyos at nagbabasa din ng Bibliya. Kung tutuusin, sampung utos lang ang galing mismo sa Diyos. Ang iba dyan, sulat ng mga propeta at interpretasyon nila. Sa Ten Commandments, wala sinabing bawal ang maging bakla, walang sinabing bawal ang magdamit babae kung ikaw ay lalake, bawal magmahal sa kapwa lalake o kapwa babae. Pero may ganitong utos:

Thou shall not commit adultery Thou shall not covet thy neighbors wife

Pero hindi naman kami naging judgmental at sinabi naming isumpa ka dahil naki-apid ka. Kahit na ginusto mo yun at hindi namin ginusto ito, alam naming nagsisisi ka at alam naming mapagpatawad at maunawain ang Diyos. Lalong hwag mo idamay ang Presidente kasi hindi siya umaastang banal katulad mo. Walang malinis sa atin lalo na sa inyo dyan sa Senado. Konting lawak ng utak kasi nilawakan din namin ang pag-unawa namin para sa paniniwala mo at sa mga katulad mo.

Hwag ka pong mag-alala. Hindi po namin ipagpipilitan ang sarili namin sa inyo dahil alam namin ang iyong paniniwala ukol sa amin. Kami na ang kusang iiwas sa iyo. Pero hwag mo naman kaming alisan ng karapatan irespeto bilang tao dahil kaya mong gawin.

To follow Atty Bruce Rivera, click on above image.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page