top of page

Madaling Manghusga


Yung mamang pogi na nakasakay sa magarang SUV at umaalingasaw ang mamahaling pabango na hinahangaan at kinaiinggitan mo, illegal drug trade pala ang negosyo. Di na nga mabilang kung ilang kabataan ang napariwara at ilang pamilya ang nasira dahil sa mamang ito.

Yung tinitingala at dinedepensahan mo'ng mambabatas na wagas kung lumuhod sa simbahan, tangina drug protector pala at 'niluluhuran' ang mga lalaking may asawa at mga hari ng muntinlupa.

Yung babaeng minamaliit mo at ayaw mong makasama dahil sa tingin mo ay poor siya and does not belong to your elite group, isa palang milyonarya. Di lang magarbo ang lola dahil exposed siya sa paghihirap ng mga kababayan niya -- at kalahati sa kinikita nya ipanangtutulong pala niya sa kapwa.

Yung nakatabi mo sa jeep na tinalikuran mo dahil may amoy, construction worker ang mama. Binubuhay ang pamilya mula sa dugo't pawis. Di pa siya naghahapunan. Di na rin nakapag-palit pa ng damit sa pagmamadaling umuwi dahil may sakit ang asawa.

Yung kaklase mong maraming beses umabsent at sinabihan mong tamad, araw araw niyang hinahanap ang pampamasahe at pambaon niya.

Yung waiter na tinarayan mo dahil hindi ka masyado narinig, working student at pangalawang duty na niya ngayong araw para matustusan ang pangmatrikula niya.

Yung ale na binarat-barat mo sa palengke para sa isang kilong gulay, sampung kilometro pala ang nilakad papuntang palengke para lang kumita ng marangal.

Yung dalaginding na buntis na nakita mo sa kalsada na sinabihan mo'ng ang aga namang lumandi, biktima pala ng rape.

Madali sa atin ang manghusga. Akala kasi natin alam na natin lahat...

To follow MJ on Facebook, click above image.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page