top of page

Mukhang Guilty


Ang balak ng kampo ni Robredo na i-apela ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na “sufficient in form and substance” o sapat ang mga alegasyon sa protesta ni BBM laban kay Robredo ay malinaw na delaying tactic lamang.

Ang mga mahistradong nakaupo sa PET ay siya ring mga mahistrado na nakaupo sa Korte Suprema kung saan i-aapela ni Robredo ang desisyong natalo siya sa issue ng sufficiency in form and substance. Kaya walang kahihinatnan ang apela ni Robredo. Matatalo pa rin siya.

Pero i-aapela nila ito kahit alam nilang matatalo sila dahil magbabakasakaling maantala nila ang protesta kahit papaano.

Ito ay malinaw na palatandaan na may kinatatakutan nga ang kampo ni Robredo sa protesta ni BBM. Kung kampante si Robredo sa kanyang pagkapanalo, dapat siya mismo ang mag-udyok sa PET/Korte Suprema na madaliin at tapusin na ang protesta sa mas lalong madaling panahon. Pero siya ngayon ang naghahanap ng paraan upang maantala ito. Mukhang guilty!

To follow Atty Glenn Chong's FB page, click on image.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page