Political Strategy
Sa dalawang araw na nagdaan, sunod-sunod ang pag-atake ni Robredo kay Pangulong Duterte.
Noong Huwebes, sa isang strongly worded speech, inatake niya ang kampanya laban sa druga. Kahapon naman, habang inaresto at sumailalim sa booking process ang kanyang kapartidong si De Lima, nanawagan si Robredo kay Pangulong Duterte na maging totoong lider ito ayon sa kanyang pangako at tigilan na ang mga kasinungalingan na sumisira sa katotohanan sa ating lipunan. Ito ang unang pagkakataon na direkta niyang ipinaabot sa Pangulo ang kanyang matinding pagpuna.
Sa madaling sabi, ipinalalabas ni Robredo na sinungaling si Pangulong Duterte sa kampanya laban sa druga at sa mga kasong kinakaharap ngayon ni De Lima. Ibig niyang sabihin, inosente si De Lima, guilty si Duterte.
Bakit nga ba tumitindi ang mga banat ni Robredo kay Pangulo?
Posibleng may ilang dahilan pero ang isa nito ay mas halata kaysa iba. Ito ay ang protesta ni BBM laban kay Robredo. Kamakailan lang, nagpasya ang PET na sapat ang mga alegasyon sa protesta ni BBM. Ito ay nangangahulugan lamang na tuloy-tuloy na ang protesta. Ito ang totoong pinangangambahan ni Robredo at ng kanyang partido.
Kaya upang makalusot sa isyu ng dayaan kung mabuking na ito sa manual recount at sa desisyon ng PET, at upang may rason siyang umalma ng husto kung tatanggalin na siya sa pwesto, bumabanat na siya ngayon ng husto laban kay Pangulo. Si Pangulong Duterte ang pagbibintangan niya at ng Liberal Party na nasa likod ng pagtanggal sa kanya bilang personal vendetta dahil inatake niya ito ng husto ngayon.
Sa madaling sabi, nilatag na nila ang bitag ngayon upang may pagbibintangan sila sakaling dumating na ang hindi mapipigilang sandali. Sisigaw ang kulto nila na ninakaw ang pwesto sa kanila kahit pa sila ang totoong magnanakaw. At si Pangulong Duterte ang gagawin nilang convenient scapegoat (hantungan ng sisi) sa pagbabakasakaling magkaroon uli ng People Power na magloklok muli sa partido ng mga traydor sa bayan sa kapangyarihan.
Hitting 3 birds (palusot sa dayaan, pagnakaw sa pwesto, at pagbabakasakaling magka-people power muli) with 1 stone (ang political strategy na atakihin ng husto si Pangulo), eka nga!
Kaya ang pag-iingay ngayon ni Robredo ay isang political strategy lamang. Hindi dapat pakinggan!
To follow Atty Glenn Chong on Facebook, click above image.