top of page

Malungkot ang Mandarayang Sindikato Ngayon


Sa pagka-aresto kay De Lima, nawalan ng kakampi ang mandarayang sindikato (COMELEC-SMARTMATIC) sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (JCOC-AES), ang komite ng Kongreso na initasang magsagawa ng monitoring, comprehensive assessment at evaluation sa pagpapatupad ng batas sa automated elections. Ayon sa batas, ang lahat ng automated elections ay kailangang sumailalim sa mandatory review sa loob ng 12 buwan mula ng ito ay maidaos.

Matatandaan na hiningi diumano ni De Lima ang chairmanship ng JCOC-AES. Ito ay isang mabisang taktika ng sindikato upang makontrol nila ang JCOC-AES. Kung kontrolado nila ang nag-iisang komite ng Kongreso na may kapangyarihang bantayan sila, mahihirapan ang pagpapalabas ng ebidensiya ng dayaang ginawa nila.

Dahil arestado at nakapiit ngayon si De Lima, papalitan siya ng kanyang Vice Chairman. Ito ay walang iba kundi si Senator Richard Gordon. Kaya sobrang lungkot ngayon ng sindikato. (Tayo naman ang magsaya! :-))

Sana magpatawag na si Sen. Gordon ng hearing upang mabuking ng husto ang mga katarantaduhang ginawa ng sindikatong ito at matuldukan na talaga ang kanilang kasamaan.

Sa hearing lamang ng JCOC-AES lalabas ang iba pang mga bagay tungkol sa dayaan na hindi pa ninyo narinig o nalaman mula sa media o mula kahit kanino. Kaya abangan natin ito.

To follow Atty Glenn Chong on Facebook, click image above.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page