Open Challenge
O heto maghamon uli kami. Nakakaumay na magexpose nang magexpose na wala man lang naririnig mula sa kabilang kampo.
Para fair, bibigyan namin ng pagkakataon sumagot at makipag tuos samin dito ang Team Lugaw. Yung mga anak nya: Aika, Tricia, Jillian. Kahit alin sa tatlo o kahit magsama sama pa kayong magkakapatid.
Sagutin nyo ang mga paratang namin at depensahan nyo ang nanay nyo dito sa page. Bibigyan namin kayo ng forum. Huwag na yung mga galamay at alipores nyong bayaran hindi naman kayo kilala ng mga kumag na yan para depensahan kayo ng maayos. Pag may nasasabi tuloy kaming bagay na detalyado na maaari naman icheck ng kahit sino, natatahimik ang mga bayarang trolls nyo. Huwag nyo na ipagkatiwala sa iba ang pagsagot sa mga isyu at alegasyon. Kayo na mismo dahil dangal ng pamilya nyo na ang nakasalalay. We promise to engage fairly and we will not condone followers who will bash and attack you while we go one on one. Or one on three. Like the rules we set on our supposed debate with your secret agent Atty. Cortes, we will restrict the thread sa atin lang. A separate thread will be opened for spectators. And even your supporters are welcome and free to comment there as they please.
An open discussion. Unscripted. Real time. No holds barred.
Hindi sa hinihila namin kayo dito sa gulong pinasok ng nanay nyo. May obligasyon ang pamilya nyong ipaliwanag sa taong bayan kung saan nanggagaling ang mga ginagasta nyo, kung ano ang saloobin nyo sa lantarang relasyon ng nanay nyo kay Congressman Banal, kung ano masasabi nyo sa sandamakmak na issue tungkol sa pamilya nyo at sa yumao nyong ama, allegations of corruption, hidden properties at sa ibinibintang na pandaraya noong nakaraang halalan. Huwag nyong sabihing sa kakampi nyo lang kayo magaling?
Walang mas mainam na makapagbibigay linaw sa mga isyung ito kung hindi isa mismo mula sa pamilya nyo. Wala na si Jesse. Pero kayo naririyan pa. Malulusog, malalakas at nakapagsasalita last time we checked. Napagbibigyan nyo nga si Karen Davila, Winnie Monsod at Boy Abunda sa mga TV guesting, bakit itong simpleng imbitasyon namin hindi?
Aika, bilang panganay at pinakamatanda dapat ikaw ang manguna dito. Hindi ho kami nambubully. Binibigyan naman kayo ng patas na pagkakataong sumagot.
Tama na ang pananahimik. Harapin nyo ang taong bayan.