top of page

Patungkol kay Atty. Glenn Chong


Nabasa ho namin ang mensahe na ipinost kani kanina lamang ni Atty. Chong sa kanyang sariling page at minabuti ho naming sumagot dito sa pamamaraang ginagawa nya - sa pagpapaliwanag ng mahinahon gamit ang wikang Pilipino.

Wala ho kaming intensyong siraan si Atty. Chong o kalabanin. Maliwanag naman ho sigurong wala kaming mapapala kung gagawin namin ito at hindi naman sya ang talagang tinutumbok ng aming imbistigasyon tungkol sa dayaan noong nakaraang halalan. Sa lahat na sumusubaybay sa aming mga post, inilatag ho namin ang buong kwento sa kung paano nasali si Atty. Glenn Chong sa usaping ito - basahin nyo ho ang Part 1 ng inilabas naming serye patungkol sa COMELEC-Smartmatic Syndicate at dito namin isinalaysay kung paano namin natunton ang isang taong nagtangkang maghimasok sa WAC upang alamin ang mga pagkatao namin at ilako ang impormasyon sa aming mga kalaban.

Gumawa kami ng counter-intelligence tungkol sa taong ito - isang mama na nagngangalang Juan Miguel Suarez III - at napag alaman namin na si Ginoong Suarez pala ay sangkot sa nangyaring dayaan noong nakaraang dalawang halalan (2013 at 2016) kung saan inopera nito ang pagkapanalo ng ilang senador mula sa LP na ayon sa aming source ay kinabibilangan nila Senador Risa Hontiveros, Leila De Lima at Franklin Drilon.

Sa unang bahagi ho ng aming exposé ay inilathala namin ang screenshots ng isang private convo sa pagitan ni Suarez at isa pang operador – itago ho natin sya sa pangalang Jason upang mapangalagaan ang kanyang seguridad. Abril 2017 pa ho ang naturang convo at wala pa sa radar namin si Ginoong Suarez at magiisang buwan palang mula nang lumabas ang WAC sa Social Media. Wala pa ho ang Assembly Uno at wala pa ho sa Order of Battle namin ang pagtalakay tungkol sa nangyaring dayaan. Masasabi hong aksidente lamang ang pagkakatuklas namin sa testigong ito (kay Jason) dahil sa paghahanap namin kay Ginoong Suarez.

Muli ho naming inilalathala dito ang nasabing convo para sainyong masugid na pagbabasa. Mapapansin nyo ho na nabanggit ni Ginoong Suarez si Atty. Chong nang ilang beses sa naturang convo. Malayang nagkakamustahan ang dalawang operador at nagkekwentuhan tungkol sa kanilang mga pinagdaanan nang biglang nabanggit ni Ginoong Suarez si Atty. Chong. Tila naguluhan at hindi masyadong naaalala ni Ginoong Suarez itong si Jason kaya tinanong nya ito kung saan sila nagkatagpo at kung isa sya sa mga kasama ni Atty. Chong. Ang sagot naman ni Jason ay hindi. Nang tanungin ni Jason si Ginoong Suarez kung paano sila nagkakilala ni Atty. Chong ay mabilis syang sinagot ni Suarez na nilapitan sya ni Atty. Chong sa pamamagitan ng isang “third party” at tila may binanggit pa itong kwento tungkol sa mga taong tumugis sa kanya kaya nakarating syang Naga at doon napaslang ang dalawang tao na hindi malinaw kung kasamahan ni Suarez ang tinutukoy o yun mismong mga taong tumugis sa kanya. Pilit naming kinukuha ang komento at salaysay ni Suarez subalit hindi ito sumasagot sa aming mga mensahe at tawag sa kanyang private cellphone number.

Samakatuwid, hindi ho ang WAC ang nagbanggit kay Atty. Chong kung hindi si Ginoong Suarez. At maliwanag din ho na hindi namin kakampi itong si Suarez bagkus hinuhuli namin sya at pilit na pinasasagot upang magpaliwanag. Hindi ho namin binanggit si Atty. Chong sa aming exposé at hinayaan lang ho namin ang convo sa orihinal nitong estado. Hindi kami nagkomento at humusga sa nilalaman nito at hinayaan namin ang mga taong basahin at unawain ang nilalaman nito sa orihinal nitong konteksto – isang malayang paguusap ng dalawang tao na nasangkot sa nakaraang dayaan. Subalit maraming tao na nakabasa at nakapansin sa pangalan ni Atty. Chong ang pumunta sa aming page para magbigay ng mga katanungan. Mga bagay ho na hindi namin masasagot dahil patungkol ito kay Atty. Chong at hindi sa amin. Tila si Atty. Chong lang ho ang makakapagbigay linaw sa pagkakabanggit sa pangalan nya kaya ang sagot namin sa aming mga followers ay maghintay na lamang sa pahayag na ibibigay nya.

Hindi ho nagtagal ay biglang nagpost si Atty. Glenn Chong ng pahayag sa kanyang FB page patungkol sa pagkakabanggit sa kanya ni Suarez. Dito kinumpirma ni Atty. Chong ang pagkakakilala nya kay Suarez at kinumpirma na si Suarez nga ay isang operador na nakausap nya noong 2016. Base sa pahayag ni Atty. Chong, na ibinahagi namin sa aming timeline, isinalaysay nya kung paano sila nagkakilala ni Ginoong Suarez at tila dumepensa sa mga sinabi nito – tungkol sa habulan na nakarating sa Naga hanggang sa paghingi umano ni Suarez ng 200 million mula sa kanya noong sila ay unang nag usap at muli ng halagang 50 million sa kanilang “pangalawang” pag uusap. Sa puntong ito ikinwento din ni Atty. Chong na tila nagnanais si Ginoong Suarez na “tumestigo” kuno kung sya ay mabibigyan ng halagang ito. In short, mukhang may element of extortion (panghuhuthot) ang ginawa umano ni Suarez kay Atty. Chong.

Maingat po naming binasa ang salaysay ni Atty. Chong at binalikan muli ang convo ni Suarez at ni Jason at kinuha rin ang salaysay ni Jason para makumpara ang mga detalye at maicross reference sa iba pa naming sources. Hindi ho namin pwedeng paniwalaan ang bawat testimonya nang biglaan na hindi isinasailalim ang bawat salaysay sa maingat na cross-examination. At nang binasa namin ang kwento ni Atty. Chong napakarami ho nyang nabanggit na detalye – ang pagkakasangkot ng 2 senador na umano’y naghihintay sa isang karatig na gusali habang naguusap sila ni Ginoong Suarez sa Shangri La BGC noong Abril kasama ang 2 pang IT experts at ang pagarrange ng kanyang meeting kay Suarez ng isa umanong “kaibigan” na tila iniiwasan nya hong pangalanan.

Sa punto hong ito marapat din sigurong maibahagi namin sainyo na bago namin ilathala ang unang bahagi ng aming exposé ay pilit na naming kinocontact si Atty. Chong upang makuha ang kanyang panig. Agosto 8 ho nang una kaming nagpadala ng message sa kanya - isa ho mula sa akin at isa ding mensahe mula sa aming Communications Liaison na si Ginang Jasmine White (si Jassee ho ay kasapi ng Assembly Uno at isa sa aming volunteer admins at hindi ho bahagi ng WAC Central o grupong bumubuo ng orihinal na Team Collective). Hindi ho sumagot si Atty. Chong sa aming mga mensahe kaya napilitan kaming ituloy ang paglathala ng Part 1 at ng mga screenshot kahit walang paliwanag ni Atty. Chong.

Subalit nang mabasa namin ang kanyang salaysay patungkol dito, napansin namin na sa dami ng binanggit nyang detalye, tila maraming bagay ang hindi tumutugma at nagdulot ng mas marami pang katanungan. Hindi nya pinangalanan ang kaibigan na nagarrange ng meeting nila ni Suarez at tila hindi nya naipaliwanag nang husto kung bakit sya nakipagkita kay Suarez at sa anong kapasidad. Ito ba ay para hulihin si Suarez? Ito ba ay para magimbestiga? Ito ba ay sa ngalan ng kanyang kliyente? Iniisa isa ho namin ang mga katanungan at ipinost sa aming page para masagot ni Atty. Chong dahil imbis na bigyan nya kami ng kasagutan privately ay tila panay emisaryo at followers nya ang sumusugod sa aming page at nagpapadala sa amin ng private messages at nagsasabing sasagutin ni Atty. Chong ang aming mga katanungan sa takdang panahon (Ilalathala din ho namin ang naging usapan namin ng mga emisaryo nya). May ilan din syang followers na umaatake sa amin sa page at tila inaaway kami dahil sa pagkakabanggit kay Atty. Chong sa usaping ito.

Kamakailan ay nagpost si Atty. Chong ng kanyang mga kasagutan sa comments section ng aming page. Binasa ho namin ang kanyang mga kasagutan subalit napansin namin ang ilang mahahalagang bagay. Una, hindi nya kumpletong sinagot ang mga katanungan (nakaligtaan nyang sagutin ang second set of questions na ipinost namin) at pangalawa, tila iniwasan nya ang mga detalye na mismong hinahanap namin sa kanyang kasagutan.

SINO ITONG DALAWANG SENADOR NA NAGHIHINTAY SA KABILANG BUILDING HABANG NAG UUSAP SILA NI SUAREZ? ANO ANG PAKAY AT INTERES NG MGA SENADOR NA ITO AT TILA NAGHIHINTAY SILA SA UPDATE NI ATTY CHONG? SINO ITONG DATING CONGRESSMAN NA NAG ARRANGE UMANO NG PANGALAWANG MEETING NILA NI SUAREZ SA ROBINSON’S PIONEER? ANO ANG INTERES NG MGA PULITIKONG ITO KAY SUAREZ? BAKIT HINDI NYA IPINADAMPOT AT PINAHULI SI SUAREZ GAYONG MALIWANAG NA LABAG SA BATAS ANG GINAGAWA NITONG PANGANGALAKAL NG PANDARAYA SA ELEKSYON AT TILA MAY HAWAK PA ITO NG ILEGAL NA KOPYA NG CONSOLIDATION AT CANVASSING SYSTEM (CCS) NA WALANG IBANG PAGMUMULAN KUNDI ANG COMELEC AT SMARTMATIC?

May mga sinagot ho sya, may mga hindi. Iniisa isa ho namin ang kanyang mga kasagutan at ilalathala sa page na ito katabi ang aming mga katanungan at aming mga komento at obserbasyon. Ang tanging hiling ho namin ay maging OBJECTIVE kayo at tingnan nyo kung talaga nga bang nasagot ni Atty. Chong ang nasabing mga katanungan.

Bakit ho mahalaga na masagot ni nya ang mga bagay na ito? Dahil ho naparatangan sya ni Ginoong Suarez na kasangkot sa nangyaring dayaan. At ito ang tila hindi na anticipate ni Atty. Chong sa kanyang pagbigay ng unang pahayag, sapagkat akala nya ay si Suarez lamang ang nagbanggit sa kanya (wala ho kaming tiwala sa mga salaysay ni Suarez at hindi ho testimonya ni Suarez ang gamit namin dito) subalit hindi nya ata napansin na ang kausap ho namin ay hindi si Ginoong Suarez kundi ang source namin na si Jason. Dalawa hong magkausap yung nasa convo at nang tanungin namin si Jason patungkol kay Atty. Chong ay diretsahan nitong isinalaysay sa amin na nakasama nya si Atty. Chong sa isang private bidding ng mga operador ng COMELEC-Smartmatic para sa mga kliyente nito na tumatakbong kandidato sa isang warehouse sa may dakong Ortigas (ang kumpletong salaysay ni Jason ay ilalabas namin sa Part 2 ng aming exposé).

Ayon kay Jason, kinabibilangan ang naturang bidding ng mga tauhan ng SMARTMATIC kagaya nila Suarez, isang nagngangalang Sal, isang “Rick” na tila contact ng iba’t ibang grupo at tila konektado kay Senador Frank Drilon at mga broker ng iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng kampo ni Senadora Grace Poe at mga senador umano na dala dala ni Atty. Glenn Chong! Kaya tila maliwanag ho na ang dahilan kung bakit nakipagusap si Atty. Chong kay Suarez sa BGC ay para ibroker ang serbisyo nila Suarez sa mga hawak nitong Senador kaya hindi nya mapangalanan ang mga ito dahil maiincriminate sila sa gulong ito. Bakit nga naman hihingi ng 200 million itong si Suarez sa kanya kung hindi nito nilalako ang serbisyo nya kay Atty. Chong? Kung ikaw ba ahente ng isang produkto mag aaksaya ka ba gumawa ng isang detalyadong demonstration kung alam mong hindi naman customer at walang pambayad ang kakausapin mo? Uulitin ho namin. Ang mga bagay ho na ito ay galing mismo kay Atty. Chong. At navalidate namin sa pamamagitan ng pagcross check sa mga kwento ng iba naming sources na hindi nga kinabibilangan ni Suarez.

Tinanong din namin si Atty. Chong kung umaabogado sya kay Ginoong BongBong Marcos at malinaw ang kanyang naging sagot: Hindi. Wala umano syang nirepresent na kliyente na taliwas sa salaysay ng testigo na nakasama nya umano sa naturang bidding. Tinanong namin si Jason kung si BBM ang kandidatong dinala ni Atty. Chong at madiin nitong itinanggi na kasama si Ginoong Marcos sa naturang bidding. Wala rin daw ang kampo ni Duterte kaya tilang mga LP, grupo ni Poe, at ilang senador lang daw ang sumama dito. Nais din ho naming kunin ang panig at paglilinaw ng grupo ni Ginoong Marcos tungkol dito. Dahil madiin pa rin ang aming paniniwala na nabiktima sya ng pandaraya nitong nakaraang halalan.

Ito ho ang dahilan kung bakit namin hinihiling ang kasagutan ni Atty. Chong. Dahil sya ho ay tila napaparatangan ding sangkot sa nangyaring dayaan. Seryoso ho ang mga alegasyon na ito at hindi natin pwedeng balewalain dahil malaking krimen sa bayan ang pagnanakaw ng boto para panalunin ang iilang kandidato kapalit ang pera. Hindi ho namin sinasabing guilty agad si Atty. Chong subalit aaminin ho namin na medyo mabigat ang testimonial evidence laban sa kanya. First hand witness ho ang nasabing testigo at handa ho itong lumabas kung kinakailangan na may sinumpaang affidavit.

Dapat ho ba naming itapon ang testimonya ng isang mahalagang testigo dahil nadawit si Atty. Chong? Tama ho ba na maging selective tayo sa paghahanap natin ng katarungan? Pananagutin natin ang lahat na sangkot sa dayaan – ang LP, si Leni, sila Drilon, ang kampo ni Poe, lahat na nanginabang lalo na ang sindikato ng COMELEC-Smartmatic, si Andy Bautista at ang ibang commissioner, pati mga broker, operador at protektor nito subalit tatanggalin natin ang pangalan ng isang tao dahil sa paniniwala natin na ito ay kakampi natin?

Wala ho kami sa posisyon na humusga kay Atty. Chong. Ang tanging layunin ho ng WAC ay mag expose. At wala ho kaming pinipili o sinasanto sa aming sinumpaang tungkulin. Hindi ho naming kasalanan na nabanggit sya at lalong hindi ho madali ang aming ginagawa. At tila maraming taong nasasagasaan ang aming kampanya subalit hindi ho kami natitinag hangga’t nasa panig namin ang katotohanan.

Isa ho ang maliwanag. Kailanman ay hindi kami tataliwas sa katotohanan. Marami ang tatamaan at marami ang masasaktan sa aming mga inilalabas subalit makakaasa ho kayo na tanging sa katotohanan lamang kami papanig. Kung may pananagutan ho si Atty. Chong ay kailangan din syang managot. Ikinalulungkot man namin dahil kami mismo ay naniwala sa kanyang mga ipinaglalaban at madalas pa nga kaming nagsheshare ng kanyang posts sa aming pahina at website. Pero wala hong pinipili at pinapanigan ang katotohanan.

Truth is absolute. It stands on its own merit. By definition, truth is the state of all truisms, which includes everything that is considered true. In each trial, the accused is either guilty or innocent - never both at the same time. No matter how the court may rule, or who it decides to favor, there exists a certain truth. This truth may be evident or hidden or concealed, it may even be reversed or suppressed, but it is the truth nonetheless.

Truth stands on its own.


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page