top of page

A History of Fraud: The COMELEC-Smartmatic's Stranglehold on the Philippine Electoral System

Later today we will publish our response to Atty. Glenn Chong’s last statement regarding WAC. Aside from being busy with the Drilon-Mabilog issue, another reason why we chose not to post this reply five days ago is because we wanted to wait for Atty. Glenn Chong to unleash his “pasabog” regarding the COMELEC-Smartmatic Syndicate.

Yesterday he announced that he filed a case in the Office of the Ombudsman against COMELEC Commissioner Christian Robert Lim. Seriously, heto na yung pasabog?

Allow us to give you our take on this issue. Give us time to narrate this in full so you have a better understanding of its full context.

Ever since sumambulat sa media itong asawa ni Andy Bautista na si Tish na may dala-dalang matinding pasabog tungkol sa mga kaperahan at undeclared assets ng kanyang asawa, nacompromise ang position ni Andres at nalagay ito sa seryosong alanganin. Nagkukumahog itong ipaliwanag sa buong madla kung paano nya patutunayan na kanya nga ang nagkakahalagang bilyones na pera at ari-arian na ibinunyag ng kanyang sariling maybahay.

Ang pinakamatindi nito ay natuon ang pansin ng tao sa mga anomalyang maaaring kinasangkutan ni Andres at tila nakumpirma nito ang duda ng karamihan na nagkaroon nga ng dayaan nitong nakaraang halalan at kumita ng malaki itong si Bautista dahil sya ang kasalukuyang nakaupong COMELEC Chairman.

Well, suffice it to say that because Bautista has now been tainted and compromised by his wife’s revelations, the guy is practically toast. From an assortment of diversions in order to give time for his forensic accountants to sanitize and justify everything to his poorly-staged dramas trying to reframe what happened as a mere domestic issue, we all have to agree that Andy Bautista is somewhat beyond repair. Truly, what could be worse than having your own wife expose your dirty laundry in public?

Tapos na si Andres Bautista. There is a looming impeachment complaint lodged against him in Congress and from what we hear, Bautista is not keen in fighting this and will conveniently choose to step down. Mas mabubulabog pa ang COMELEC at kasindikato nito na Smartmatic kung matuloy ang impeachment complaint ni Andy B. At ito ay isang bagay na iiwasan din ng maraming mambabatas dahil marami sa kanila ay mismong sangkot din at nanginabang sa nangyaring dayaan.

So damage control ang ginagawa ngayon ng sindikato. Hopeless na ang kaso ni Bautista at ang pananatili nito sa COMELEC ay walang madadalang mabuti sa kanila bagkus ay hihilahin lang nito ang atensyon ng publiko patungo sa nangyaring dayaan na iniiwasan nilang mangyari. To be honest, it wouldn’t surprise us if one of these days we come across the news that Andy Bautista ends up dead. He’d be better off dispensed with and silenced kesa makapagsalita pa at makapagturo ng ibang kasangkot.

Kamakailan ay nagbigay din ng panawagan ang mga COMELEC Commissioner kay Bautista na magbitiw na ito. Ang tanong mga kaibigan. Sa tingin nyo ba magagawa ni Bautista nang mag-isa ang dayaan kung walang partisipasyon itong ibang COMELEC Commissioners? Bahagi din po sila ng sindikatong ito at malamang ngayon ay iniisip na nila na ang kelangan pumalit kay Bautista ay tao din lang nila. Ngayon base din lang sa paliwanag ni Chong, si Commissioner Lim na ang pinakasenior na maaaring pumalit kay Andy B sa COMELEC kahit in an acting capacity hangga’t makapag-appoint si Tatay Digs ng bagong COMELEC Chairman. Sa loob ng apat na buwan ay sadyang magreretiro na rin itong si Lim.

Now here’s the score. Ang tanging pag-asa ng sindikato upang patuloy na mamayagpag at makaiwas sa prosecution ay ang tinatawag naming “shift of clientele.”

Ano ibig sabihin nito? Di ba pinaliwanag namin sa mga naunang post na ang COMELEC-Smartmatic Syndicate ay walang kinikilingang partido? At kinakausap nito ang mga players mula sa iba’t ibang kampo at partido lalo na kung malakas ang mga ito at may tsansang maging dominant party sa mga darating na panahon. Ang LP ay naging kliyente nila, at one point si Binay din. Ang grupo ni Grace Poe na muntik na maluklok sa Malacañang kung hindi pa pumasok si Tatay Digs ay sangkot din at kausap din ng sindikatong ito.

PERA at KAPANGYARIHAN ang diyos ng COMELEC-Smartmatic. Kung sino ang makakapagbigay sa kanila ng mas malaking halaga hindi lang sa dayaan kundi kung sino rin ang makakapagbigay ng continuity upang patuloy nilang makuha ang kontrata sa tuwing magkakaroon ng halalan.

Noong 2010 ay pinanalo nila si Panot. Dahil lumakas ang hanay ng LP sa buong bansa at karamihan ng nakaupo ay kaalyado ng partidong ito ay inalagaan ng husto ng COMELEC-Smartmatic ang partido ni Noynoy. Sumugal din sila sa kalaban at pinanalo si Binay. Ang ganda na sana ng trajectory ni Binay at tila pumoposisyon ito na maging susunod na Pangulo kay Panot kung hindi ito pilit na siniraan at siniraan ng mga grupong may interes sa 2016 – ang grupo ni Mar kakampi ang 3 senador na nagorchestrate ng higit sa isang taon na hatchet job laban kay Binay – sina Senador Pimentel, Cayetano at Trillanes.

Matatandaan na hindi pa pumapasok sa eksena si Tatay Digs ay magkakasama sa alyansa ni Panot itong 3 senador na ito. At nanginabang din sa nangyaring dayaan para sa senatorial election noong 2013. Magaling ang pagkakaorchestrate ng LP sa pagsira kay Binay. Mga kaalyado nila subalit hindi kapartido ang ginamit nito to do the dirty job.

Si Pimentel ay PDP-Laban at kapartido nito si Binay, ngunit maaalala ng lahat na nagalit si Pimentel kay Binay sa pagkuha nito kay Migz Zubiri bilang senatorial candidate ng UNA noong 2013 (sinisi si Zubiri ni Pimentel sa pagkakatalo nito at kalaunan ay nagresign si Zubiri pagputok ng Hello Garci scandal na nagbigay daan sa pag-upo ni Pimentel sa Senado). Noong 2013 ay imbis na sa UNA ay sa kampo ni Panot sumama itong si Pimentel at nanalo. Si Cayetano naman ay nakabangayan ni Binay dahil sa issue ng Makati laban sa Taguig. Maaalalang inaangkin ng Makati na bahagi ng teritoryo nito ang Bonifacio Global City o BGC na naging major business district ng balwarte ni Cayetano hence major source of income nito. Dalawang bagay ang naging motibo ni Cayetano upang sirain si Binay – ang galit nito dahil sa local dispute ng dalawang siyudad at ang personal na ambisyon nito sa mas mataas na posisyon sa 2016. Wala syang paglalagyan kung si Binay ang mananalong Pangulo. Si Trillanes naman ay may galit din kay Binay dahil sa pag abandona umano nito sa kanya noong paghihimasok ng grupo ni Trillanes sa Manila Peninsula Hotel sa Makati. Kanya kanyang dahilan, kanya kanyang interes. Ang common denominator ay pulitika. Suma total, tinamaan ng lintik itong si Binay.

Nang malaman ni Mar ang sikreto ni Jejomar na magic sa Smartmatic ay hindi na nito pinursigi at sineryoso ang electoral protest case nito. Bagkus, kinausap ni Mar ang Smartmatic at nakipagkasundo na sa halip na si Binay (na sirang sira na nga naman ng mga panahong ito) ay sya na ang panalunin nito sa Presidential election ng 2016. In other words, “shift of clientele.”

Mula sa isang kliyente (Binay) patungo sa bagong kliyente (Mar). May mga ugong din at bali-balita na hindi natupad ni Binay ang pangako nito na pagbayad sa Smartmatic sa kanyang pagkapanalo bilang VP noong 2010. Partial payment lang daw ang naibigay at tila nilaro na ni Binay ang sindikato at nangakong babawi ito pag siya na ang naging Pangulo. At dahil nasa rurok ng kapangyarihan ang LP nang mga panahong ito, hindi maikakaila na ang partido na ito ang may pinaka kakayahan na magbayad sa Smartmatic at makapagpatuloy sa kanilang kontrata dito sa bansa.

Tinesting nila noong 2013. Iniluklok ni Panot si Sixto Brillantes bilang hepe ng COMELEC at nanalo ang majority ng senatorial lineup nito. 9-3 ang naging resulta. 9 mula sa kampo ni Panot, at 3 naman mula sa grupo ni Binay. Pare-pareho hong kausap ng COMELEC-Smartmatic yan.

But as history would have it, hindi umangat sa survey itong si Mar. Dahil sa mga anomalya at kapalpakan ng administrasyon ni Panot hindi naitago ng taongbayan ang galit nito sa partido ni Panot at naapektuhan nito ang survey rating ni Mar. Matalinong Smartmatic, naghanap na naman ng panibagong salbabida. Enter Grace Poe.

At this point in 2015, wala nang gustong sumama upang mag VP kay Binay. Nahihirapan ding makakuha ng matinong running mate si Mar. Niligawan si Grace Poe, umayaw. Sinuyo si Ate Vi, umayaw din. Kalaunan ay wala itong choice kundi kunin ang biyuda ng yumao nitong BFF at bastonero na si dating DILG Secretary Jesse Robredo. Si Grace Poe naman, palibhasa malakas ang prospects at sya ang lumilitaw na top contender ay nagmatigas at tila lumaki na rin ang ulo. Sa likod nito na nagmamaniobra ay ang swabeng swabe na si Chiz Escudero.

Matindi ang galawan ni Ginoong Chiz. Dati ay inengineer nito ang tambalang Noy-Bi (Noynoy-Binay) na isa sa mga naging dahilan upang tumaas ang rating ni Binay noong 2010. Sa pananaw ng Smartmatic, pagmataas ang rating mo sa survey (kahit hindi ikaw ang top contender) e ikaw ang pinakapreferred nila na panalunin dahil hindi mahirap ijustify ang gagawin nilang pagmanipula sa PCOS. Sinadya ni Escudero ito dahil sa kanyang ambisyon na pumosisyon sa 2016. Tinatarget nya na mag VP kay Binay ngunit nasira ang kanyang tila ayos na ayos na plano sa ginawa ng kampo ni Mar at ng trio nila Koko, Alan at Trillanes.

No choice si Chiz kundi maghanap ng bagong isasalang sa frontline. Sino pa kundi ang kanyang BFF sa senado na si Grace Poe? Matunog ito dahil sa simpatiya ng taong bayan sa yumaong ama na si FPJ at sadyang ginawang topnotcher nila Panot noong 2013 upang salbabida in case hindi nga umarangkada si Mar. Matatandaan na marami ding hindi pabor at sang ayon kay Mar sa grupo ni Panot – nandyan yung mga kapatid mismo ni Pnoy na sina Ballsy at Pinky (na pabor daw kay Binay) at nandyan din itong Samar faction nila Paquito Ochoa. Sadyang Plan B na si Senadora Poe ng LP subalit hindi nila nakuha ang matamis na oo nito dahil sa pakikialam at pagmamaniobra ni Chiz.

Nais sanang magpresidente ni Chiz (matagal na noong 2010 pa ngunit hindi ito sinuportahan ni Boss Danding kaya lumayas ito sa NPC) subalit wala itong pera at makinarya at partido para magdala ng nationwide campaign. Ang tanging pang akit nya sa publiko ay ang kanyang swabe at tila robot na paraan ng pananalita. At dahil maugong sa survey si Grace at tila namamayagpag at nangunguna naman sya sa mga survey sa pagka VP, kinorner ni Chiz ang kaibigan nito at sadyang iniwas sa dagit ng LP. Maaalala na nakailang dinner meeting ang kampo ni Mar upang suyuin si Poe. “Ulol nyo” sabi ni Chiz sa kanyang sarili. “Hindi sya mapapasainyo. Akin sya. Bwahaha!”

Sa puntong ito ay marami nang pumoposisyon na sumama sa tambalang Poe-Escudero. Marami na ring nagoffer magbigay ng pondo para sa kampanya. Napakalaking leverage nga naman ng nangunguna kayo pareho sa survey. Di nagtagal, ang tambalang Poe-Chiz ang naging presidential and vice-presidential frontrunners.

So shift sa demolition mode ang kampo ni Mar. Tag team naman sila ni Binay ngayon upang siraan si Poe. Kesyo hindi daw Pinoy, walang karanasan at bubot pa, at pinaigting nila ang isyu ng citizenship nito. Muntik nang madisqualify si Poe dahil dito kaya napurnada din ang kanilang tila swabeng pag-arangkada. Sa likod ng lahat na ito ay tahimik na nagmamasid ang COMELEC-Smartmatic. Inilagay ni Panot si Andy Bautista sa pwesto para siguruhing maipanalo nila ang karamihan na kandidato ng LP subalit talagang kulelat si Mar sa survey. Tinatalo pa ni Binay kahit mismong ito ay namantsahan na.

Ang hindi inaasahan ng lahat ay ang pagpasok ni Tatay Digs sa labanan. Baligtad ang sitwasyon pagdating kay Duterte. Kung sina Binay at Mar ay abala sa panunuyo ng magiging VP nila ang lahat naman na gustong mag VP ay sinusuyo si Duterte na maging running mate. Sinuyo si Tatay Digs ni Cayetano, ni BBM, pati ni Trillanes subalit harapang sinupalpal ito kaya husto na lang ang galit nya kay Duterte. Ang hindi lang lumapit sa kanya ay si Chiz dahil kasado na ang tambalan nila ni Grace at nauna na itong umarangkada.

Wait and see ang lahat kung talaga nga bang papasok si Digong. Maugong ang pangalan ni Duterte subalit tila walang kasiguruhan dahil umaayaw pa ito at hindi nagdedeklara na tatakbo. Patuloy ang panunuyo ni BBM at ni Cayetano. Dumating ang deadline ng filing at no-show si Tatay Digs. Si Martin Diño ang pinagfile ng PDP-Laban sa pagkapangulo. Hindi nakapaghintay si BBM at nakipag alyansa kay Miriam. Si Cayetano ay masugid na naghintay.

Makalipas ang isang buwan, pumasok nga sa karera itong si Tatay Digs at isinubstitute ng PDP-Laban kay Diño. Hindi malinaw kung nakaplano na ang strategy na ito o sadyang napilitan lang talaga si Tatay Digs na lumahok sa karera. Hindi rin malinaw kung sadyang may usapan na ito at si Alan Cayetano o kinuha nya ito dahil wala na si BBM. Kung sabagay, bakit mo nga naman hindi pipiliin si Alan e sya yung pinakamasugid at matiyaga mong manliligaw?

Dito na tuluyang nasira ang mga diskarte at plano ng ibang presidential contenders. Patuloy nang bumulusok si Binay at si Mar, at yung mga nagdadalawang isip naman kay Grace Poe dahil sa disqualification case nito ay tila napunta na kay Duterte. Si Trillanes ay nawalan na ng pag asa at nagfocus na lang sa pagsira at pagdemolish kay Tatay Digs. Ngunit huli na ang lahat. Duterte was a runaway hit none of them ever expected.

Pagdating sa COMELEC-Smartmatic, outside the kulambo na si Binay. Tanging grupo na lang ni Mar at ni Poe ang nakikipag usap dito. Isa ang naging malinaw. Kelangan magsanib pwersa ang grupo ni Mar at ni Poe upang matalo nila si Digong. Kaya for the last time ilang linggo lang bago sumapit ang araw ng halalan, nanawagan muli si Mar sa kampo ni Grace Poe na makipag usap. Hindi pa rin sila nakasisigurong mananalo, subalit madali nga namang ijustify ang gagawing Hocus PCOS kung isa sa kanila ang magpaparaya at aatras to give way and support the other. Ito na sana ang plano, subalit hindi pumayag si Poe and everything came crashing down for Mar after that.

So PNoy mobilizes Plan D. Ang Plan B ho ay ang pagsanib pwersa ng Mar at Grace camps at paghocus PCOS ng resulta upang panalunin si Mar. Ang Plan C naman ay dayain ang resulta pabor kay Poe (laglag na si Mar) subalit hindi rin kinaya ito. Plan D is the most viable. Plan D is Leni Robredo.

Habang tuluyan nang umangat at lumayo ang agwat ni Duterte sa pinakamalapit na kalaban ay ganun din ang tila pamamayagpag ni BongBong Marcos sa larangan ng pagka VP.

Nagkukumahog at nagpupumilit pa si Mar subalit tanggap na ng lahat na nasa LP ang kapalaran nito. Foregone conclusion na ang pagkapanalo ni Duterte. Lalo’t higit isang milyon ang lumabas para lumahok sa Grand Rally nito sa Luneta ilang araw bago ang araw ng halalan. Dayain mo nga naman si Digong, tiyak aalma ang taongbayan at dadanak ang dugo.

Panalo na si Digong tapos ang VP pa nito si Marcos? Hindi pwede! Sabi ni Panot. Sa lahat na hindi nito pahihintulutan mangyari maghalo na ang balat sa tinalupan ay pabalikin sa kapangyarihan ang mga Marcos. Kapag nangyari ito, katapusan na ng LP at tuluyan na silang mawawalan ng saysay. Besides, this shit was personal. Mortal na magkatunggali ang mga ama nila Panot at Bongbong. Nagbago ang kasaysayan ng bansa dahil sa Marcos-Aquino rivalry.

Nakitaan nito ng potential ang pag-angat ni Leni Robredo. Oo pati survey ay minamanipula na nila upang madaling majustify ang pandaraya (sa isang punto nga ay umangat ng sabay si Mar at Leni ilang linggo bago ang halalan). Ang pinaka advantage lang ni Leni ay tila hindi ito gaanong nabahiran ng baho ng LP. Dinala ni Leni sa style ng yumaong asawa na si Jesse na panay perception engineering, branding at messaging ang kanyang kampanya – “inaangat ang laylayan ng lipunan” ayon sa kanyang campaign slogan.

Pwera sa mga senador, dahil may hiwalay na usapan na namamagitan sa COMELEC-Smartmatic at sa mga Senatorial candidate na LP na pinangungunahan ni Drilon, si Leni Robredo na ang may pinakamalaking tsansa na ipanalo sa pamamagitan ng pandaraya. So everybody focused on Leni.

Tiniyak ito ni PNoy at inassign pa ang pamangkin nito na si Bam Aquino kay Leni upang siguruhin ang pagkapanalo nito thru Hocus PCOS.

Alam na namin na mangyayari ito dahil sa tip ng isang senior LP operator na nakabase sa Quezon Province noong 2016 at nagpadala na kami ng emisaryo sa campaign headquarters ni BongBong Marcos upang iforewarn ito subalit walang pumansin dito. Hindi ata nakarating kay Bongbong ang iniwang mensahe. Mga staff lang nito sa campaign HQ ang nakausap ng emisaryo namin.

The rest is history. The nation slept at pag gising nito lamang na ng higit 200,000 boto si Leni kay Marcos. We were monitoring everything as it happened. We just shook our heads as we expected this would happen.

May mga ugong at bali-balita din na bahagi ng operasyon ay ang pagkausap ng LP sa kampo nila Escudero at Cayetano upang ipasa ang mga boto nito kay Leni. You have to remember. Cheating is a zero-sum game. Ibig sabihin, one’s gain is the loss of another. Kung maglalagay nga naman ng boto para idagdag kay Leni ay tiyak merong kelangang bawasan. Hindi pwedeng dagdag lang ng dagdag, otherwise sosobra sa number of voters ang resulta.

Bakit sina Escudero at Cayetano? Si Escudero dahil wala nang pag-asa ito at tila pera na lang ang maaaring makasalba sa kinalalagyan nito (may mga bali-balitang nag away pa ang asawa ni Grace Poe na si Neil Llamanzares at si Escudero ilang araw bago ang eleksyon dahil sa pagtangay ni Chiz ng malaking halaga ng campaign funds) at si Cayetano naman ay hindi rin masaya kung mauupo si BongBong bilang VP. If there is one thing that Alan Cayetano shares with the LP, it is their common disdain for the Marcoses. Hindi ito maitatanggi ni Ginoong Cayetano kahit hanggang ngayon na nakapwesto na sya sa gabinete ni Pangulong Duterte.

Maaalala na maaga ding nagconcede kay Ginang Robredo ang dalawa, at nahalata ng karamihan ang biglang pagbawas ng boto ni Chiz sa TV habang dumagdag naman proportionately ang boto ni Leni. Sabi nga kanina zero-sum. Minus 200,000 kay Chiz, plus 200,000 kay Leni. Nagbigay din ito ng maagang press release kahit hindi pa tapos ang bilangan na mas nanaisin nyang manalo ang kababayan at kapwa taga Bicol na si Leni Robredo. Napakarami hong news footage na nakakuha ng statement nyang ito.

Sa Senado naman, tila kapansin-pansin ang hindi inaakalang pag-angat ni Joel Villanueva. Sya ang unang nanguna bago sya naungusan ni Drilon at tinalo pa ang mga political heavyweights gaya nila Sotto at Lacson. Sa aming paniniwala ay si Sotto dapat ang naging topnotcher. Hindi ho dahil sa kanyang abilidad kung hindi dahil sa impluwensiya ng AlDub phenomenon sa Eat Bulaga. Alam mo naman ang mga Pinoy, sadyang mahilig talaga sa showbiz. Samantala, pasok na sa magic 12 si Risa Hontiveros (sa kanyang pangatlong attempt sa Senado) at pati na rin si Leila De Lima na nakakuha ng higit 14 milyon na boto. Ang nakakapagtaka ay ang bilang ng boto na nakuha ni Drilon. Higit 18 milyon. Higit pa sa botong nakuha ni Rodrigo Duterte sa pagkapangulo. E di wow! Kung nasaan man ang 18 milyon na yan na bumoto kay Drilon ay isa sa mga natatanging misteryo sa kasaysayan ng ating bansa. Kung may mga balita na natuklasan na ang misteryo ng tagong kayamanan ni Yamashita ay hindi pa rin nasasagot ang misteryo ng 18 milyon na boto ni Drilon. Ngayon pa lang kung saka sakali. Tila nasa PCOS ang kasagutan.

At tila naulit yung nangyari noong 2013. 7-5 uli ang naging resulta. 7 ang nanalo mula sa kampo Liberal. 5 naman mula sa ibang mga grupo. Iisa ang pattern. Iisa ang template.

Sa mga susunod na ilalabas namin ay ilalahad namin ang nadiskubre naming paraan ng nasabing pandaraya hango sa testimonya ng isang PCOS operator na mismong nasangkot sa nasabing operasyon. Iba ibang grupo sila subalit iisa lang ang kausap – ang Smartmatic. Ang grupo ni Juan Miguel Suarez ay humawak sa LP habang si Grace Poe naman ang dinala ng aming source. May kanya kanya ding umopera bawat senador at ibang kandidato hanggang sa local levels. It was a synchronized and well-coordinated operation. Tampered results were fed into PCOS machines operated by different teams and different groups in various remote locations.

Going back to Atty. Chong’s case vs Commissioner Lim, why single him out when a case could be filed against the whole fucking syndicate? Ah lest we forget, kasangkot din nga pala si Atty. Chong sa dayaan. He was identified by a witness as having been present in a private bidding held by COMELEC-Smartmatic in a secret warehouse in Mandaluyong kung saan inihatid yung mga PCOS machines na gagamitin sa dayaan. And yes before his supporters get all riled up, mayroon ho kaming testigo. First hand. Nandun mismo sa site at nakita sya na may kasamang 4 na taong tila abogado at pawang mga IT experts.

Paano ang laro at gameplan ni Atty. Chong kung kasangkot din sya sa sindikato? Simple. Kung ikaw nga naman ang COMELEC at Smartmatic gagawa ka ng paraan na may tao ka sa lahat nang kampo. At maliwanag na kahit itinatanggi ni Atty. Chong na umaabogado sya kay Ginoong Marcos ay napasok nya na ang kampo nito bilang consultant at resource person sa nangyaring dayaan. Subalit hindi ba kayo nagtataka? Bakit sa tagal ng panahon ay pagtinanong mo si Glenn Chong kung paano ginawa ang pandaraya wala syang maisagot na isang tiyak na bagay at kung anu anong technical bullshit na komplikado ang isasagot nya? Dati digital lines, ngayon bagong script, at paiba iba daw ang diskarte kaya mahirap daw malaman kung pano ang eksaktong ginawa. Hindi kaya ginugulo lang na sadya ni Atty. Chong ang issue sa utos din lang ng sindikato para hindi natin matukoy ang tunay na mekanismo ng dayaan?

Isinalaysay sa amin ng operador kung ano ginawa nila at hindi naman kami nahirapan umintindi. Napakasimple nga ng kanilang ginawa. Meron silang mga PCOS machines na inooperate remotely at doon nila sinasalang ang mga pre-shaded ballots na naitatransmit directly sa server ng COMELEC. Walang mahabang paligoy at paikot. Maliwanag na pandaraya.

Naisip ba ng kampo ni Ginoong Marcos na maaaring pinaiikot lang sila ni Ginoong Chong? Sa susunod na post ay ilalathala namin ang pangalawang Q & A namin ni Atty. Chong at doon nyo mababasa sa mga kasagutan nya na may tinatago sya at pilit pinoprotektahan na 2 senador. Bakit ayaw nyang pangalanan? Kung wala naman itong ginawang masama o labag sa batas? Inamin nya na nakausap nya si Suarez at nagharap sila sa isang presentation subalit hindi nya ito pinadampot o pinahuli at nanahimik sya kung hindi pa nabanggit ang pangalan nya ni Suarez sa isang private convo na inilabas ng WAC.

Bakit sa Office of the Ombudsman sya maghahain ng kaso gayong alam nya na kontaminado na ang forum na ito dahil sa political allegiances ni Conchita Carpio-Morales? Why lodge these complaints in contaminated forums like the Ombudsman and the JCOC? Na hawak din lang ng sindikato malamang ang mga bumubuo nito? No wonder sa higit 7 taon nyang pakikibaka kuno laban sa Smartmatic ay patuloy pa rin ang dayaan. 3 halalan na tayong nadadaya at nananakaw ang boto natin wala pa ring nangyayari sa mga diskarte ni Glenn Chong.

Chong’s presence in Marcos’ camp could be one of two things – or both: 1. To derail him, by giving inputs na ang sadya ay ilayo sa katotohanan ang nangyari or 2. To co-opt him. Huwag naman sana (nananalangin kami na hindi ito gagawin ni Ginoong Marcos dahil kami mismo ay sumuporta sa kanya) ngunit maliwanag na naghahanap ngayon ang Smartmatic ng bagong kliyente – kaya nga “shift of clientele.”

When Panot was in power, LP was their biggest client. Because they had all the local executives under their party. But now that they're no longer in power, maghahanap na ang sindikato ng bagong client base.

Yung magpapatuloy sa kanilang pananatili at pamamayagpag dito sa bansa. Syempre nga naman if Marcos wins the protest and he positions himself as the top contender in 2022, at may taong malapit sa kanya na pakawala ng Smartmatic, madali nga naman kausapin na lang para happy days are here again.

Nananalangin kami na hindi papayagan ni Ginoong Marcos o ni Pangulong Duterte itong “shift of clientele” strategy ng COMELEC-Smartmatic. Kayo ang totoong hinalal ng taong bayan kaya hindi na ho kelangan pang mandaya.

Ngayon malamang ang tatargetin nito ay ang supermajority sa kongreso na hawak ng PDP-Laban. Hindi malayo gayung nandun si Pimentel na dating nanginabang din noong 2013 sa ilalim ng partido ni Panot. At maraming kakampi ang pangulo na maaari nilang lapitan. Hindi na namin iisa isahin pa kung sino ang mga ito. Nabanggit na namin yung iba kanina. Just connect the dots and do the math.

Ano ang solusyon? Tanggalin hindi lamang si Andy Bautista kundi lahat na nasa COMELEC. At alisin ang Smartmatic, imbestigahan at kasuhan. Hindi uubra itong mga selective divertionary tactics ni Glenn Chong na pabor din lang sa sindikato ang resulta. Magaling din ang COMELEC, tao nila ang mga next in line kay Bautista, tao din nila ang lumalaban kuno dito na imbis na Smartmatic ang kasuhan ay tinatarget lamang ang isang COMELEC commissioner na magreretiro na.

The best thing to do is to get rid of the whole structure altogether. Palitan ng bago. LAHAT. Dahil lahat kontaminado. Si Nancy Binay nga umepal na agad at nagsalita na alisin na raw ang Smartmatic samantalang once upon a time nanginabang din sya at ang tatay nya sa pandaraya nito. Si Grace Poe din kumokak agad nung paglabas ni Tish Bautista. Palibhasa mga guilty. Nauunang dumaldal.

Kailangan ang ipalit ni Tatay Digs ay yung mga taong walang partidong inaniban o maaaring kilingan. Hindi dapat pulitiko at higit sa lahat hindi dapat nabibili o natatakot ng mga maimpluwensiyang kalaban.

Andami kasing conflicts ng ating sistema at saligang batas. Paano mo aasahan na gagalaw ang ating mga mambabatas laban sa sindikato kung itong sindikatong ito ang dahilan sa pagkapanalo nila? And how can things not be self-serving when these same legislators exercise oversight functions sa mga bodies kagaya ng COMELEC, mainly through their control of the budget? It’s a never ending cycle. They exercise leverage over the executive through this function that they most often use only to serve their own interests. They co-exist to complement and mutually benefit each other – the syndicate and its clientele. It’s a shitty deal na kelangan na nating tapusin.

So may mangyayari ba kung maimpeach si Andy Bautista? Wala. May papalit lang na bago pero tuloy pa rin ang bulok at corrupt na sistema at pandaraya. And from what we hear, kaya tinatarget ni Glenn Chong si Lim at kaya panay paepal sya sa kampo ni BBM at ni PRRD is because he’s angling himself to be Bautista’s replacement. Nais nitong magpaappoint kay PRRD bilang bagong COMELEC Chairman.

Oo. May ambisyon hong mag COMELEC Chair ang kuya nyo. Ang palabas nya crusader sya at maka DDS-BBM ngunit lingid sa kaalaman ng lahat at masugid na tagasuporta nya, kaanib sya ng sindikato at pakawala din ng mismong Smartmatic.

E pano na ang bansa natin kung ganito na lang ang magiging labanan?

NEXT: Q & A with Atty. Glenn Chong Part 2


FOLLOW US

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black YouTube Icon

STAY UPDATED

RECENT POSTS

ARCHIVE

bottom of page