Q & A with Atty. Glenn Chong Part 2
GLENN CHONG: Hi WAC!
Pasalamat ka at dumating ang Agosto 31 dahil kung hindi, hindi talaga kita sasagutin kahit manigas ka pa at kahit pa sisigaw ka sa buong mundo ng social media.
Hindi ito literal ha! Ang ibig kong sabihin, marunong akong tumupad sa aking pangako kahit pa ang mga insinuations ng posts mo sa akin ay criminal at libelous na. Kanina pa sana ito pero natrapik ako ng husto. Pasensya na.
Ito ang mga sagot sa mga tanong mo:
WAC: A word from us before we proceed. Yaman din lang na minasama ng kampo mo ang pagtatanong namin sayo para maaddress ang issue na ito at kung anuanong paratang at patutsada ang ginagawa nyo tungkol sa amin ng mga alipores mo, we are going all out here and we will no longer mince words. ALL GLOVES ARE OFF.
ITEM No. 1:
WAC: Who is behind AlDub (Alyansang Duterte-Bongbong) and why did you report the Suarez meeting to them? Who sent the two IT experts? Was it AlDub or the Duterte and Marcos camps separately? Did you report it to them prior to your actual meeting with Suarez that's why they sent those IT experts or after you met with Suarez in Shangri La and you have already heard his demonstration?
GLENN CHONG: Kinausap ko ang dalawang senador, ang ex-congressman, ang 2 IT experts at ang taong nagconnect kay Suarez sa akin tulad ng ipinangako kong hihingi ako ng authority na pangalanan sila. Ipinabasa ko sa kanila ang mga posts mo tungkol sa isyu at sa akin. Nakita nila ang mga malicious insinuations mo. Walang isa sa kanila ang gustong kumausap sa isang faceless, nameless and anonymous entity tulad mo. Kung gusto mo, dumaan ka sa tamang paraan upang mahikayat mo silang sumagot sa mga katanungan mo.
As for Aldub, I reported it to them kasi ang grupo lang ni PRRD at BBM ang nakinig sa aking mga babala tungkol sa dayaan sa halalan. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa mga grupong ayaw makinig. As for the IT experts, bago pa ang demonstration naganap, pinaalam ko na sa Aldub. Paano sila magpapadala ng IT experts kung pagkatapos na ng demonstration pinaalam ko sila. Akala ko ba magaling kang imbestigador. Ayusin mo nga ang pagtatanong mo. Waste of time.
OUR RESPONSE: You did not even answer much of the questions. You just gave us more of the usual runaround. We asked you to identify people involved and still you refuse to do so for reasons unknown but are just too obvious. Ang tinatanong namin dito IKAW at hindi sila. IKAW ang binanggit nung dalawang PCOS operator na kasangkot at IKAW naman ang nagbanggit dyan sa mga taong iyan. Dahil sa sobrang atat mong sumagot nung una na nadawit ang pangalan mo at nabanggit ni Suarez akala mo si Suarez lang ang tanging pinanggalingan ng impormasyon namin at nung screenshots ng convo. Hindi ata inabot ng matalino mong pag-iisip na ang convo (root word: conversation) ay sa pagitan ng dalawang tao o maaaring higit pa. Kung kausap lamang ni Suarez ang kanyang sarili ang tawag dito ay hindi convo kundi “monologue.” Ngunit sino namang tao ang nasa tamang pag-iisip upang I FB chat ang kanyang sarili mabanggit lang ang pangalan mo at ipasa ang screenshots nito sa amin? At Abril pa yung convo kaya mahaba haba ang paghahanda nya kung sinadya nya ito. Aminin mo na nadulas ka dahil sa iyong pagpapalusot at ngayon na maaaring maincriminate sila dahil sa iyong (pardon this for lack of a better word) katangahan, nagkukumahog ka para ikubli ang mga pagkatao nila matapos mo silang banggitin?
IKAW ang nagbanggit nung dalawang senador na naghihintay sa karatig gusali habang kausap mo si Suarez. IKAW ang nagbanggit nung dalawang IT experts na ang sabi mo galing kay Duterte at Marcos (na binawi mo din lang kamakailan sa pag-amin mo na hindi ka naman pumunta dun to represent them so why would they bother to send those two people if you have no business with these two candidates in the first place?). IKAW din ang nagbanggit sa kaibigan mong dating congressman at sa tila isa pang kaibigan na nagpakilala sayo kay Suarez at nagset up ng unang meeting nyo. Simple lang naman ang isyu dito na hindi mo masagot sagot dahil kung anu anong palusot pa ang iniisip mo:
BAKIT HINDI MO SILA MAPANGALANAN AT NANG MALAMAN NG TAONG BAYAN KUNG NAGSASABI KA NGA BA NG TOTOO O HINDI? Classified information ba na maaaring makapeligro sa national security ang tinatanong namin? Lilinawin ho namin ha sa lahat nang nagbabasa at sumusubaybay ng isyung ito. HINDI HO PATUNGKOL SA KASO O SA PET RECOUNT NI BONG BONG MARCOS ANG BAGAY NA ITO NA TINATANONG NAMIN. Wala ho itong kinalaman dun. Sinabi nga mismo ni Ginoong Chong na HINDI SYA UMAABOGADO PARA KAY BBM kaya ginagamit nya lamang ang kaso at laban ni BBM para gawing panangga sa isyung ito na tanging sya at yung 2 kliyente nya na senador ang nasasangkot. Patungkol ho ito sa pagkakabanggit at pagkakadawit ni Ginoong Chong sa nangyaring dayaan noong nakaraang halalan ayon sa 2 PCOS operator na pinangalanan sya bilang sangkot! Kami ho mismo ay umaasang makakaupo si Ginoong Marcos sa lalong madaling panahon dahil kami mismo ay naniniwala na sya ang totoong nanalo noong nakaraaang halalan at hindi ang pekeng bise-presidente na si Leni Robredo.
Ngayon sabi mo nagpaalam ka sa kanila kung maaari mo silang banggitin at hindi sila pumayag E BAKIT NGA NAMAN SILA PAPAYAG KUNG MADADAWIT ANG PANGALAN NILA DAHIL SA PAGKAKASANGKOT NILA SA ANOMALYANG ITO? Sino ang tanga at tarantadong sangkot ang papayag na madawit sa kasong maaaring maging dahilan ng pagkasibak nila sa pwesto at pagkakakulong? Dalawang senador. Isang dating congressman (na ayon lang naman sayo). Isang hindi napapangalanang kaibigan. Dalawang IT experts umano na siguradong may pinagsisilbihang boss at kliyente.
Sa totoo lang, hindi naman lalaki tong gulo nato kung hindi din lang sayo. Kung anu ano kasing pagpapalusot ang ginagawa mo at kung sinu sino na ang binanggit mo TAPOS NGAYON NA TINATANONG KA AYAW MO SILA PANGALANAN? Pambihira. Anong authority ang kailangan mo mula sa kanila para magsabi ka ng katotohanan? If you are invoking lawyer-client confidentiality that will negate your earlier statement that you went to that meeting representing no one. That only means you have been consistently lying by telling us that you went there representing only yourself.
If we are to follow pure common sense and basic elementary logic, ano naman ang masama na mapangalanan ang mga taong ito kung wala naman itong ginagawang masama o labag sa batas? Bakit takot na takot sila na mapangalanan at maibunyag sa publiko ang kanilang pagkatao? Ni hindi mo na nga maipaliwanag ng sapat kung ano ang interes ng dalawang senador na ito at kung bakit sila naghihintay dun sa kabilang building. Alam mo kung bakit? Dahil nandun kayo para kausapin si Suarez at para magbroker ng deal upang mandaya. At yung dalawang IT experts ay malamang galing sa kanila at hindi kay Pangulong Duterte at Ginoong Marcos na pilit mo pa sanang idadawit sa katarantaduhan nyo nung dalawang senador! Tugma ang kwento mo at mga detalyeng nabanggit. Dalawang senador. Dalawang IT expert. 200 million na hiningi ni Suarez. Tig isang daang milyon bawat senador. Ang hindi lang tumugma ay iyong dahilan mo na kaya ka nakipag usap kay Suarez ay upang “imbistigahan” ito. Walang pagkakaiba dun sa palusot nung dalawang Bureau of Immigrations Commissioner na natimbog sa pageextort kay Jack Lam. Sa Shangri La BGC din yun unang nakipagmeeting. Nanahimik at itinago ang pera. Nung lumabas at may tumestigo at nakunan pa sa CCTV ang tanging palusot nila ay “iniimbistigahan” daw nila ito. Don’t us Atty. Bumenta na yang palusot na yan. Palusot yan ng mga tanga at natitimbog.
Bakit ka hihingan ng 200 milyon ni Suarez kung wala kang dala dalang kliyente? Sabi mo hindi ka kandidato. OO hindi ka kandidato pero may binobroker ka na kandidato. At kikita ka rin dahil malamang wala namang magbobroker nang ganitong transaksyon lalo na’t ilegal na wala kang makukuhang malaking komisyon.
Andami mo pang paligoy at palusot. Iisa ang bagsak ng kwento mo.
Sabi mo malicious, criminal at libelous ang mga insinuations namin? Ang tanging criminal dito Ginoong Chong ay ang kinasasangkutan nyong problema. Kailanman man ay isinumpa namin na hindi kami maglalathala ng kahit na anumang impormasyon na hindi makatotohanan , walang basehan at purong paninira lamang. Kaya kung nais mong magkaso ng libelo, gawin mo agad para ikaw din lang ang magpatunay na ang sinasabi namin ay pawang kasinungalingan. Hindi ba abogado ka? The burden of proof lies with the accuser. Kaya ayusin mo ang kaso mo. Dahil kami may testigo na nakakita at makakapag identify sayo at baka mas lalo ka pang madiin sa alanganin ng mga pinagsasabi mo at mas marami pang madawit na ibang tao dahil sa katangahan mo.
You threaten to sue us with libel? How about we sue you for electoral sabotage? How’s that for a reality check?
Ngayon pipilitin mo kaming lumantad at magpakilala gayong may hawak kaming maaaring makapagdiin sainyo lahat sa impyerno? You call us out for our anonymity? Your idiotic followers are even reasoning out na wala daw kaming karapatan na tawagin ka openly upang pangalanan ang mga sangkot kasi kami mismo ay anonymous? Simpleng paliwanag ho sa mga tagasunod mo na halatang hindi pinagpala ng katalinuhan:
Magkaiba ho ang motivations ng pagiging anonymous ng WAC sa pagtatanggi ni Atty. Chong na pangalanan ang mga sangkot. Kami ho we choose to be anonymous because of survival and security issues. If we are exposed, what’s keeping these syndicates and everyone we’ve exposed from physically harming us and our families? E yung 2 senador at dating congressman at si Atty Chong? They refuse to be named openly dahil sangkot sila sa ISANG MALAKING KRIMEN. Kung hindi pa ho maintindihan ng mga dakilang tagasunod mo ang pagkakaiba ng aming mga dahilan ay ewan na lang. Truly, you cannot not approach a bull from the front, a horse from the rear, or an idiot from any direction. Gusto nyo kaming lumantad kamo? Para ano? Para maaari nyo na kaming habulin at takutin at malagay sa pahamak ang mga pamilya namin?
BEING ANONYMOUS IN OUR PART DOES NOT MEAN WE ARE SCARED. If we are scared then we would not be doing any of this since life will be infinitely safer and more comfortable kung wala kang binabangga at kinakalaban na makakapangyarihang tao. Remaining anonymous for now only means that we are being smart. Any information about ourselves and our families may be used to threaten and silence us. Why should we give you that luxury?
Sabi mo dumaan kami sa tamang forum? Oo dadaan kami dun huwag ka mag-alala. Kaya nga may sinumpaang affidavit ang testigo namin at kagaya ng lahat naming ibinunyag sa pahinang ito, time will come when we will start filing cases. For now our job is to expose. And everything we publish here can be fact checked and verified by everyone kung talaga nga bang nagsisinungaling kami. Kagaya nitong isyung kinasasangkutan mo ngayon. Kunwari ka pang nakikipaglaban sa COMELEC-Smartmatic iyon pala umaahente ka rin para sa kanila.
Ngayon sa huling bahagi ng sagot mo sa katanungan na ito, binanggit mo uli ang grupong AlDub. Sige nga nananawagan ho kami sa kung sino man ang nagpapatakbo ng grupo na ito na tinutukoy ni Ginoong Chong na maglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa kanyang mga sinasabi.
Maaari nyo hong itanggi o patotohanan ang mga sinabi ni Atty. Chong tungkol sa involvement nyo dito sa issue subalit kagaya ho ng hiniling naming sa kanya, pakilinaw ho kung alam mismo ni Pangulong Duterte o Ginoong Marcos ang mga bagay na ito. Noon pa man ay marami nang gumagamit ng pangalan at tambalang Duterte-BBM sa kani-kanilang agenda at katarantaduhan. Hindi ho magkapartido si Tatay Digs at BBM. Kaya duda kami na kung galing man sa grupo na ito ang dalawang IT experts na sinasabi ni Atty. Chong ay may go signal ito mula mismo sa Pangulo at kay Ginoong Marcos.
AlDub lang kamo ang tanging nakinig sa mga babala mo? Bakit hindi nyo inireport si Suarez e malinaw na naglalako na ng pandaraya? Bakit hindi lumabas o nagleak ang pangalan ni Suarez kung hindi pa inexpose ng WAC? E matagal na pala kayong nagkausap at nagkakilala? Bakit natalo pa rin at nadaya si Ginoong Marcos gayong nagbigay ka na pala ng warning sa kanya?
Lastly, dahil medyo mahaba na ang kasagutan namin sa ITEM NO. 1 pa lang, Oo magaling kaming imbestigador. Dahil kung hindi kami magaling hindi namin matutuklasan na sangkot ka pala sa dayaang nangyari at hindi ka namin mabibitag sa sarili mong bibig at katangahan. Naniwala din kami sa mga palabas mo Ginoong Glenn Chong. We were even sharing your posts. But the recent revelations we unearthed talking to witnesses and investigating this syndicate and your complicity in this whole mess are just too strong to deny. Dapat ka lang maexpose dahil marami ka pang naloloko!
ITEM No. 2:
WAC: Who are these two senators you claimed were waiting for you in a nearby building in BGC? Why were they waiting for an update after you met with Suarez? What was their specific interest in that meeting enough to be personally waiting in a separate building within the same area at around the same time? Was it to avail of Suarez's services? Was it to purchase "protection" which happens to be cheating just the same? Was it to investigate Suarez? If it was the latter, why was no coordination made with the proper authorities? Why was there no entrapment made? Why was Suarez allowed to operate during election day and why were there no cases filed against him? Why was this guy not exposed prior to WAC?
GLENN CHONG: Ang interes lang ng 2 senators ay malaman kung kaya bang dayain ni Suarez ang election. As we see it, hindi niya kayang gawin ang ipinagyayabang niya. Dahil nga hindi niya kayang gawin mag-isa ang pagdaya ng election gamit ang kanyang CCS laptop, we see no need to cry wolf.
Nag-iingat ako sa mga sinasabi ko sa publiko tungkol sa dayaan dahil isang pagkakamali lang at kung mapatunayan ng sindikatong Smartmatic at Comelec na hindi totoo ang sinasabi ko, masisira ang kredibilidad ko at pagtatawanan pa ako. Kung ipina-entrap ko si Suarez at tinesting ang kanyang CCS laptop at wala siyang alam na totoong IP address na gagamitin sa election, yari ako. For sure, gagamitin ito ng sindikato upang sirain ako ng husto. Kaya nag-iingat ako pagdating sa ebidensiya. Kunsabagay, ikaw ay walang mukha kaya pwede kang magkalat dito kung gusto mo. Iba ako.
OUR RESPONSE: Here, Atty. Chong declares na ang tanging interes lamang daw nung dalawang senador ay malaman kung kaya nga bang dayain ni Suarez ang election. Again in the interest of WHAT? To investigate and go after the syndicate? Or to just satisfy their curiosity?
As WAC mentioned before, this is complete bullshit. PALUSOT if there ever is a better way to describe it. We’ve established a lot of points in our previous response but we would like to underscore this crucial element: BAKIT AYAW NYO PA RING PANGALANAN ANG DALAWANG SENADOR NA ITO GAYONG SINASABI NYO MISMO NA TILA WALA NAMANG MASAMA SA KANILANG INVOLVEMENT DITO?
Believe us Atty. Chong kung masisira man ang kredibilidad mo sa publiko mangyayari ito HINDI DAHIL SA SINASABI MO KUNG HINDI SA AYAW MONG SABIHIN. It’s not what you say, it’s what you refuse to say. It is obvious you are protecting these two senators. It is also apparent that you are trying to exonerate yourself from this whole shitstorm which you yourself caused. You are giving us way too many absurd justifications kung bakit hindi mo ipinadampot si Suarez when you had the chance. And if it is true that you were investigating him as you claim, hindi ba dapat nirecord mo yung demonstration nya? Any smart investigator would find a way to secretly arrange that. Nasaan ang recording? Nasaan ang proof na iniimbistigahan mo nga sya? Para magamit mo laban sa kanya when the time comes?
Oh we’re sure Suarez knows the IP addresses you’re referring to. And we’re sure Suarez did not work alone but was part of a big group with different teams working independently yet simultaneously from different remote locations. Suarez worked for Smartmatic-TIM. He was just a point man. The guy they sent to give you a demo. It would be foolish to assume that Suarez would be doing this on his own without the resources and greenlight of Smartmatic.
ITEM No. 3:
WAC: According to your statement, these two senators were aligned with the Duterte camp. But Duterte had no official senatorial candidates at that time. He was running a standalone campaign, with Alan Cayetano as his running mate. Duterte had no machinery comparable to LP, UNA and Grace Poe's camp. Duterte was PDP-Laban and Cayetano used to be NP, later adopted by PDP as their guest candidate. Duterte did not have a senatorial slate campaigning with him. We do remember seeing several news articles mentioning names of people Duterte endorsed - among them Francis Tolentino, Migz Zubiri, Ping Lacson, Samuel Pagdilao, Martin Romualdez, Manny Pacquiao, Susan Ople and Roman Romulo. Were these two senators among the aforementioned list? Were these two senators incumbents or were they candidates for senator in 2016?
GLENN CHONG: Malinaw ang sinabi ko sa aking sagot. SENATORS. Ibig sabihin, nakaupo, incumbent, hindi kandidato. Hindi senatorial candidate tulad nang sinasabi mo sa tanong mo. Ano ka ba, imbestigador or tsismosero? Nagmumukha na ngang tsismis ang tanong mo, maling-mali pa! Tapos inulit mo pa sa pinakababa kung incumbent ba o kandidato ang tinutukoy kong 2 senators. Nasaan ba ang utak mo?
OUR RESPONSE: Inispecify namin yung tanong para walang room for interpretation. At least you qualified this question for us. Buti na yung galing mismo sa bibig mo. “Incumbents” ha so by this statement you are saying that those two senators were part of the Sixteenth Congress.
This was back in 2016 and there were 24 of them. Two are detained (Revilla and Jinggoy) so by process of elimination we have to remove them. Hindi rin sila tumakbo nung 2016. Hindi rin maaaring si Enrile (since he had no more interest in the 2016 senatorial election and neither him nor his son was running).
So 21 ang natitira. Two of them ran for President (Poe and Miriam, may she rest in peace +). Five of them ran for VP (Cayetano, Escudero, Trillanes, Honasan, BBM). Five of them sought reelection (Drilon, Recto, Guingona under LP and Sotto [NPC] and Serge [Independent] aligned with Poe) while Lapid’s son Mark also ran under LP. One ran for congress (Pia Cayetano).
The rest still had three years until their term expires. These are Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, JV Ejercito, Legarda, Koko Pimentel, and Villar.
By this process we can keep on eliminating until only a few plausible candidates remain. Pero sino ang most likely na interesado makipag usap kay Suarez at sa Smartmatic kung hindi yung mga tatakbo? And there were 13 of them.
Malabo ata na si Miriam dahil wala naman itong pera na ibabayad sa Smartmatic at hindi nito nakaugaliang mandaya. Malabo din na si Honasan dahil alam na nito na hindi sya mananalo at bakit pa sya gagastos kung alam nya sa survey pa lang na kulelat na sya? PARA HO SA KAALAMAN NG LAHAT, hindi rin ineentertain ng Smartmatic ang mga survey tail ender. Ano nga naman ang sasabihin ng lahat kung tumakbo halimbawa si Ely Pamatong at bigla ito nanalo dahil nagbayad sya sa Smartmatic? Malabo din na si BBM dahil ayon mismo kay Atty Chong hindi sya umaabogado para dito at nanggaling din mismo sa isa naming source na walang representative sa bidding si Ginoong Marcos. Ang isa pang important detail dito ay ang pagkakabanggit ni Atty Chong na “dalawang” senador. Ibig sabihin magkasama. Maaaring magkapartido o iisa ang pangkat na kinabibilangan. At maliwanag na walang kaalyado si Ginoong Marcos sa mga natitirang senador kung hindi ang kanyang running mate na si Miriam.
So sino natitira? Lapid? Pwede pero medyo bomalabs. TG Guingona? Oo dilaw ito, pero kalaunan ay nilaglag ng LP dahil hindi rin pumapasok sa survey at natalo din. Trillanes? Alam naman na matatalo sya unless he was brokering for someone else. Serge Osmena? Same predicament, no money, no allies.
Sino tira na pwede mag tag team? You have Poe-Chiz na magkatandem. Pwede ding Poe-Sotto dahil magkakampi ito noon (Sotto has openly declared that when it comes to the VP race, hands off sya and he will not be openly supporting Chiz. Greg Honasan, who is running with Binay, is his very close friend). Drilon-Ralph na magkapartido (although maari din naman na Drilon-Trillanes, since at that time even if Trillanes was not LP he was secretly in bed with them dahil sa galit nya kay Digong. Trillanes originally wanted to be Duterte’s VP but he was refused). And the Cayetano siblings (although Pia as we mentioned was running for congress though we cannot rule out the possibility altogether – BGC in Taguig, the location of the meeting, is the hometurf of the Cayetanos and Atty. Chong even mentioned earlier that these two senators were aligned with the Duterte camp so that makes them very likely candidates).
Kakaunti lang ang matitirang posibilidad. Actually we already have an idea who.
Gusto lang naming sumagot si Atty. Chong para maicross check namin sa sources namin na nandodoon mismo sa bidding.
Could Atty. Chong be lying about these two senators being incumbents? Of course he can. Anything is possible. But once it is proven that he lied openly that will only make matters worse for him in the future.
ITEM No. 4:
WAC: What was your official function in the Duterte and Marcos camps? Were you lawyering for both candidates? Duterte and Marcos did not belong to the same party. They were running separate and independent campaigns. Were you merely acting as consultant to these candidates? Please do clarify the exact nature of your involvement as far as these two are concerned.
GLENN CHONG: Paulit-ulit na kitang sinagot sa tanong mong ito. Hindi ako abogado o consultant ng kampo ni PRRD at BBM. I represent ME, ME, ME, ME, ME and MYSELF ALONE! Gets mo na?
OUR RESPONSE: O dun sa mga followers ni Glenn Chong na nagagalit sa amin at inaaway kami dahil nabubulabog daw ang kampo ni BBM sa pagtatanong namin kay Atty Chong. Pakibasa yung nasa taas. HINDI SYA ABOGADO O CONSULTANT NG KAMPO NI DIGONG AT NI BONGBONG. Gets?
Pero teka. Kung ganun bakit panay patungkol sa kaso ni BBM sa PET ang pinopost nya? Hmmm.
ITEM No. 5:
WAC: Did you have any connection with Drilon and the LP prior to the election? What about the camp of Senator Grace Poe? Have you met with them or talked to them before and after the May 10 election? Do you know a certain "Rick" that was mentioned by Suarez in his convo? What about COMELEC-Smartmatic? Did you meet with any official/operator other than Juan Miguel Suarez III?
GLENN CHONG: Wala akong koneksyon kay Drilon at ng LP. Pinuwersa ng LP ang 6 na congressmen na kasapi ng House of Representatives Electoral Tribunal upang talunin ako sa aking protesta noong 2010 dahil galit sila sa akin dahil si Gibo ang sinuportahan ko noong 2010. Wala akong tiwala kay Mr. Aquino. Malaki ang kasalanan ng partidong iyan sa akin. Kaya huwag na huwag mo akong padududahan sa pontong ito.
Tulad ng sinabi ko na, ang kampo lamang ni PRRD at BBM ang nakinig sa akin. Yun nga lang, hindi ko talaga alam kung paano dayain ng sindikato ang halalan sa 2016 dahil ibang-iba ang ginawa nila noong 2013 kaysa 2010. Ibig sabihin, this is a game of catch me if you can. At prangka lang, mas maraming ka pang bigas na dapat kainin.
Walang akong kinausap o kumausap sa akin mula sa kampo ni Sen. Grace Poe. Hindi ko kilala maski kaluluwa ng taong “Rick” na ‘yan. Si Suarez lang talaga ang nakausap ko at wala ng ibang opisyal o operators pa.
OUR RESPONSE: Okay. Fair enough. We were asking questions not insinuating you had anything to do with Drilon. We just wanted it clear. Galing mismo sayo. Based sa mga sagot mo at sa naunang mga statement, hindi ka sa kampo nila Drilon dahil galit ka umano sa mga ito. Baka nga hindi mo talaga kilala si Rick dahil tao ito ni Drilon. Itinanggi mo naman na kausap mo yung kampo ni Poe. So based on the previous eliminations, sino natira na pwede kinausap mo?
ITEM No. 6:
WAC: Did you officially represent any candidate during the 2016 election? Did you have any connection with LP Senatorial Candidate Joel Villanueva?
GLENN CHONG: Muli, wala akong koneksyon maski sinuman sa LP. Wala akong koneksyon kay Joel Villanueva maliban na lang noong nireport ko sa Senate committee ang kaso ng kanyang tatay sa RTC sa Nueva Ecija kung saan nakakuha ako ng certified copy ng court decision na nagpapakita na hindi tama ang bilang ng boto ni Bro. Eddie Villanueva pagka senador sa pagitan ng makina at pisikal na balota. Isinumbong ko ito sa senado at naniwala agad sa akin ang mga senador at congressmen sa hearing at ipinakuha ang nasabing mga balota. Nang binilang namin ito sa loob ng senado, ang boto ni Villanueva ayon sa makina ay 278 pero ang pisikal na balota ay 366. 88 ang discrepancy. 3 araw kami sa senado naghanap sa 88 discrepancy. September 2014 ito. Ang tatay lang ang tumawag sa aking upang magpasalamat sa ginawa ko. Never kong nakausap si Joel.
OUR COMMENTS: Again you are misleading us with your answers. We were asking you if you officially represented any candidate during the 2016 election and you reply to us by saying that you do not have any connection to LP. Do you have a reading comprehension problem or is this just one of your tactics to mislead us and throw us off the scent? As to your reply to the Joel Villanueva follow-up, we have no further questions your honor :)
ITEM No. 7:
WAC: What specific actions did you undertake after those meetings with Suarez? Again forgive us for these questions. But people have the right to know.
GLENN CHONG: Tulad ng sinabi ko, kinalimutan ko pansamantala si Suarez dahil nga walang kwenta ang kanyang istorya at kakayahan kung siya lang mag-isa. Kailangan niya ng maraming kakunchaba. Pero hindi ko siya inaway dahil may balak akong i-testing sana sa harap ng Joint Congressional Oversight Committee ang kanyang CCS laptop kung malaman natin ang totoong IP address na ginamit sa elections. Remember, walang maraming tanong at naniwala agad sa akin ang senado noong isinumbong ko ang kaso sa Nueva Ecija. Hindi mahirap kausapin sila na pagbigyan ako sa aking hihilinging testing sa kanilang harapan gamit ang IP address mula sa Comelec na ang committee lamang ang pwedeng pumilit sa Comelec na ibigay ito. Eh, sinira mo na ang diskarte ko kasi dakdak ka na ng dakdak dito sa social media. Inaway mo na ng inaway si Suarez at pilit mo pa akong pigain ng husto. Napilitan na rin akong sabihin ang totoo. Ayan, pareho tayong walang pag-asa ngayon! Dahil sa kagagawan mo!
Huwag mo akong pilitin na magkiss ang tell dito sa social media. Kahit pa siraan mo ako ng siraan, hinding-hindi ko ibubulgar ang mga taong kausap ko o tumutulong sa akin maliban na lamang kung may pahintulot nila. Kung kiss and tell ako, walang magtitiwala sa akin na magbigay ng ebidensiya.
Tulad halimbawa sa isyu ng digital lines. Nabulgar ito noong December 2014. Ang digital lines ang sanhi ng mali-maling bilang ng mga makina sa boto natin. Ang pahayag ni Chairman Brillantes sa committee at sa media ay paisa-isa lang po ang balotang may digital lines. Naipakita ko sa committee na sinungaling si Brillantes dahil sa iisang presinto pa lamang, Precinct 192, Lapu-lapu City, 52 balota na ang may digital lines. Sino ang nagbigay sa akin ng ebidensiya? Taga Comelec mismo. Yung mga may malasakit pa sa bayan. Kung kiss and tell ako, talo na agad ako! Walang magtitiwala sa akin.
Aminin mo na, naperahan ka ni Suarez. Kaya halos sumigaw ka hanggang langit kung bakit hindi ko siya inaresto agad. Pinipilit mong inextort ako ni Suarez kahit hindi totoo. Dahil ba ikaw ang na-extort niya? May pa “My God” ka pa as if bababa ang Diyos upang tulungan ka. I tell you, hindi tutulong ang Diyos sa mga tanga.
One final thing, itanim mo sa utak mo ang CAVEAT EMPTOR. Ito ang prinsipyong nagsasabi na ang mamimili lamang ang siyang tanging responsable sa pagbusisi sa kalidad ng bagay na bibilhin bago ito bayaran at huwag maniwala sa sales talk ng tindero lamang. Dapat nag-imbestiga ka muna ng husto sa mga pinagsasabi ni Suarez bago ka naniwala at nagbayad sa kanya. At nang hindi mo siya mahagilap, ako naman ang tinarget mo.
Hindi ako magso-sorry sa lahat ng mga patama ko sa iyo rito. Pero bayad na rin ang lahat ng mga maling paratang na ginawa mo sa akin sa iyong mga posts. In that regard, quits na tayo.
Antay ka lang sa mga susunod na araw, may pasabog ako sa sindikatong ito.
OUR RESPONSE: Of all the statements you have made so far pertaining to this issue, this part is the most hilarious. Isa-isahin uli namin ha para malinaw sa lahat na nagbabasa.
Iniwan nya raw pansamantala si Suarez dahil wala daw kwenta yung demo at imposible daw magawa ni Suarez yun ng mag-isa. Whoever said Suarez was doing it alone? E andami nga nila na nandudun sa private bidding sa isang warehouse dyan sa Mandaluyong.
Hindi nya daw inaway si Suarez dahil balak nya pa itong gamiting witness sa isang future hearing sa JCOC. Ano ba talaga kuya? Sabi mo kanina hindi ka kumbinsido? Tapos ngayon naman gagamitin mo syang witness? You said something then contradicted yourself immediately in the next sentence.
Sinira ng WAC ang diskarte mo? Paano? By exposing you as kasangkot? By exposing you as not really working in the interest of BBM despite your appearances? Oo we are going after Suarez dahil sa ginawa nyang paghihimasok sa WAC at dahil alam naming sangkot sya dito. At oo dapat ka rin naming pigain dahil nadawit ka like everybody else kahit hindi namin inaasahan. At ngayon nagwawala ka na parang bata at sinisisi mo kami sa nangyari?
There is no one here to blame but yourself. Hindi kami kasali sa dayaan at wala ni isa sa amin tumakbo noong eleksyon at may kakayahang gumastos sa kampanya at dayaan sa halalan. Mga simpleng mamamayan lang po kami. We are exposing what we have discovered. This is not even in our list of things to do. But since it fell on our laps like manna from heaven, what are we going to do? Sit on it and pretend that nothing happened like you did with Suarez?
“Huwag mo akong pilitin na magkiss ang tell dito sa social media. Kahit pa siraan mo ako ng siraan, hinding-hindi ko ibubulgar ang mga taong kausap ko o tumutulong sa akin maliban na lamang kung may pahintulot nila. Kung kiss and tell ako, walang magtitiwala sa akin na magbigay ng ebidensiya.”
Irephrase namin itong sinabi mo ha sa gangster parlance dahil tila wala itong pinagkaiba dun. Ayon sa character ni Ray Liotta sa pelikulang Goodfellas, “I am not a rat.”
Sa ngalan ng katotohanan, kung walang masama sa ginagawa nyo, hindi mo na kailangang humingi pa ng pahintulot sa mga nabanggit mo upang pangalanan mo sila. Pwera na lang kung kaanib ka sa sindikato, at labag sa batas ang ginagawa nyo, at labag din sa code ninyo ang mag “kiss and tell” kagaya ng nginangawa mo dyan. Ipit ka nga naman sa sitwasyon mo ngayon. Kung hindi ka sumagot, lalabas kang may tinatago at magmumukha kang guilty. Kung pangalanan mo naman, mamemeligro ka sa mga kasama mo o kliyente at maaari ka nilang iligpit para patahimikin.
Whatever, the last thing we’d hope for is to be in your shoes right now.
“Aminin mo na, naperahan ka ni Suarez. Kaya halos sumigaw ka hanggang langit kung bakit hindi ko siya inaresto agad. Pinipilit mong inextort ako ni Suarez kahit hindi totoo. Dahil ba ikaw ang na-extort niya? May pa ‘My God’ ka pa as if bababa ang Diyos upang tulungan ka. I tell you, hindi tutulong ang Diyos sa mga tanga.”
“One final thing, itanim mo sa utak mo ang CAVEAT EMPTOR. Ito ang prinsipyong nagsasabi na ang mamimili lamang ang siyang tanging responsable sa pagbusisi sa kalidad ng bagay na bibilhin bago ito bayaran at huwag maniwala sa sales talk ng tindero lamang. Dapat nag-imbestiga ka muna ng husto sa mga pinagsasabi ni Suarez bago ka naniwala at nagbayad sa kanya. At nang hindi mo siya mahagilap, ako naman ang tinarget mo.”
And this part. Uwian na dahil may nanalo na!
Ano kamo? Naperahan kami ni Suarez? Paano? At para saan? Tumakbo ba ang WAC noong nakaraang halalan para makipagtransaksyon kay Ginoong Suarez? Pano kami hihingan ni Suarez at para saan sya hihingi? Sa impormasyon? Saan kukuha ng pera ang WAC para ibigay sa kanya? At bakit naman kami magbibigay kung saka sakali? At pano lahat ito gayung hindi naman alam ni Ginoong Suarez kung sino kami dahil hindi nga sya nagtagumpay sa pageespiya nya at sya pa yung nahuli namin dahil sa katangahan nila ni Kitz Barja. Alam mo when the time comes na lumantad kami and it will come in due time don’t you worry, bibisita kami sayo at bibigyan ka namin ng plaque kung saan nakaukit ang mga sinabi mong ito.
The best part of what you said was that CAVEAT EMPTOR part. Pasensya na ha our Latin is a bit rusty but thanks for reminding us of this principle: “Let the buyer beware.”
So you do admit that you were a buyer! Ang isda talaga nahuhuli sa sariling bibig! Kaya ka nakipag usap kay Suarez dahil sa prinsipyong ito at dinala mo pa yung dalawang IT experts na galing sa kliyente mong mga senador upang busisiin ang inilalako ni Ginoong Suarez. Tama nga naman. Pano kung me diperensya pala yung binebenta sainyo? Pano yung ibinayad na 200 million nung kliyente?
Payong kapatid Atty. Next time huwag ka na sumagot. You are doing us a very big favor sa mga statement na binibitawan mo. You actually have no idea how much it helped us and how you only managed to incriminate yourself in the process. Lahat ito public. At lahat na nabitawan mong statement dito can never be taken back.
Unless you admit that they were lies.
And P.S. tungkol sa huling patama mo sa amin, have you seen our numbers lately? Some people unfollowed us dahil sa pagpanig nila sayo without fully understanding the issues (around 50) but we got an additional 600 likes on top of it which means that despite FB’s efforts to cheat us and your calls to unfollow us, mas marami pa rin ang naniniwala sa WAC. If we were in your spot, we’d cut the bullshit. We’d name those two Senators.
Have a good day Atty. Chong.